KABANATA 13

7 0 0
                                    

PRIYA'S POV

"WHAT?!?!?!" Gulat na gulat at hindi makapaniwala kong sigaw sa mismong mukha ni Wilder.

Natigil siya sa pagdidikit ng makukulay na papel sa hawak-hawak kong mahabang tali. Natulala siya bigla sa mukha ko.

"P-Parang nabasag eardrums ko ron ah." Ilang niyang sabi saka sinundot ang loob ng kaniyang tenga.

"Tama ang narinig mo, Priya. Birthday ngayon ni Shaun kaya susurpresahin natin siya." Singit ni Nash atsaka inabot kay Wilder ang panibagong kahon ng makukulay na papel.

"Feeling ko, ako ang nasurpresa." Mahina kong sabi habang nakatitig sa kawalan.

Hindi ko alam na ang swerte-swerte ko ngayong araw. Saktong kaarawan ni Shaun nang makaalala ako. Dapat siguro ay bilhan ko siya ng regalo.

"Ayos ka lang ba, Priya?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin si Coronel

Nginitian ko siya at pinahawak sa kaniya ang mahabang tali.

"Ikaw na muna dito, babalik ako agad." Paalam ko at dali-daling tumakbo palabas.

"Priya, baka mapano ka na naman!" Pahabol na sigaw ni Coronel.

"Mag-iingat na ako, pangako!" Pahabol ko ring sagot at tuluyan nang lumisan.

Hindi ko na maaalis sa sistema nila ang mag-alala sa akin dahil sa nangyari noong piyesta kaya sisiguraduhin kong wala na talagang masamang mangyayari sakin.

Magpaturo kaya ako kay Azur ng self defense? Para naman kahit papano ay mapatunayan ko sa kanilang lahat na kaya ko na ang sarili ko at hindi nila kailangang mag-alala sa akin segu-segundo, minu-minuto, oras-oras at araw-araw. Bukas nga, kakausapin ko siya.

Sa ngayon, bibili muna ako ng regalo para kay Shaun.

Patalon-talon akong naglakad papuntang Bachar dahil sa sobrang kagalakan. Bukod sa nakakaalala na kasi ako, kaarawan pa ngayon ni Shaun. Ewan ko ba kung bakit ang hyper ko ngayon. Basta sobrang saya ko ngayon. Sana magsunod-sunod na 'to!

"Oh, Priya!"

Nahinto ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin. Hinanap ko agad kung saan nanggaling ang boses na iyon, nahagip ng mga mata ko si Aling Juliana.

Kumaway rin ako pabalik atsaka siya nilapitan.

"Kamusta ka na? Balita ko naaksidente ka raw. Totoo bang nakalimot ka?" Sunod-sunod niyang tanong.

Bahagya akong sumimangot atsaka mabagal na tumango.

"Pero nakakaalala na po ako, hindi nga lang umabot hanggang sa piyesta." Tapat kong sagot.

Tinapik niya ang balikat ko, "Ang mahalaga ay nakakaalala ka na." Nakangiti niyang wika.

"Oo nga po." Nginitian ko rin siya pabalik.

"Mag-iingat ka na ah. Nag-aalala rin ako sayo. Pasensiya na kung ngayon lang kita nakausap, naging abala kasi ako sa trabaho nitong mga nakaraang araw." Mahaba niyang litanya at bahagyang hinawakan ang malambot at mahaba kong buhok.

"Wala po 'yun. Maraming salamat po sa pag-aalala, mag-iingat na po ako. Pangako!" Itinaas ko pa ang aking kanang kamay atsaka bumungisngis.

"Oh sige at kailangan ko nang pumaroon. Lumayo ka sa disgrasya ha?" Huli niyang paalam.

Tumango na lamang ako saka siya kinawayan habang hinahatid ng tingin.

Nakalimutan kong itanong kung kamusta na ba si Lolo Frank, sayang. Next time na nga lang.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now