WAKAS

14 0 1
                                    


ALVAPRIYA LEONTINE'S POV

"Alvantine—"

"Shut your mouth if you'll just call me that way." Asik ko atsaka inirapan si Shaun—Ashillian.

"That's your real name, tss." Singhal niya at inusugan pa ako ng upuan. Naupo ako ron at pumwesto naman siya sa harap ko.

"I prefer Priya." Bulong ko at nagsimula nang kumain.

Nandito kami sa bahay niya and yeah, nasa Arcadia pa rin kami hanggang ngayon. Ina-absorb ko pa ang lahat kaya sinabihan ko siyang hindi pa ako handang bumalik sa Lospierra.

Sa totoo lang, hindi pa talaga ako handang maging reyna. Iniisip ko pa lang ang mga responsibilidad, sobrang bigat na.

Naikwento na sa akin ni Shaun ang lahat tungkol sa simula at kung bakit ako nawalan ng alaala. Para raw iyon sa kaligtasan ko. Matagal na rin daw niya akong hinanap kaya ganon na lang ang gulat niya nang mapag-alamang ako si Alvantine.

Tungkol sa nangyari 10 years ago, hindi ko pa rin maisip na ako ang pumana sa dating hari ng Arcadia. Bigla kong naalala si Azur, magagalit kaya siya sa akin oras na malaman niya 'to?

Biglang may kumatok. Sinenyasan ni Shaun ang kumandante niyang buksan ang pinto.

"NANDITO NA KAMIIII—" Itinikom ni Wilder ang bibig niya nang makita si Jovan. "M-Magandang umaga po." Utal nitong bati.

"Papasukin." Utos ni Shaun habang nasa pagkain pa rin ang paningin.

Sunud-sunod na pumasok sina Wilder, Nash, Kalila, at Coronel. Isa-isa silang pumwesto sa mahabang upuan at tinabihan naman ako ni Coronel.

"Nakwento na ni Coronel na magkapatid raw kayong dalawa. Totoo ba 'yon?" Tanong ni Nash.

Ilang akong tumango dahil maski ako, hindi pa rin makapaniwala.

"Whoa, hindi kayo magkamukha!" Ani Wilder habang nagpapalipat-lipat ang paningin sa amin ni Shaun.

"Tss, kayo rin naman ng kapatid mo. Mas gwapo si Kuya Wilson." Pasaring na sabi ni Kalila habang nagsasandok ng kanin sa pinggan niya.

"Ibig sabihin ba non... nagagwapuhan ka sakin?" Nagtakip ng bibig si Wilder, nang-aasar.

"Baka bawiin ko mamaya kapag nasuot ko na ang salamin ko."

Saka ko lang napansin ang salaming nakasabit sa tshirt niya. Sumimangot naman si Wilder at kumain na lang.

"Ano nga pala ang sasabihin niyo sa amin? Bakit niyo kami pinapunta rito?" Pag-iiba ni Coronel sa usapan.

Sabay-sabay kaming napatingin kay Shaun na mukhang walang pake sa paligid.

"Ano kasi..." Ako na ang nagsalita at otomatiko naman silang napatingin sa akin. "Next week, babalik na kami sa totoo naming bahay." Maingat kong wika.

"Huh? Mukha bang pekeng bahay 'to?" Takhang tanong ni Wilder habang inililibot pa ang paningin sa paligid. Binatukan naman siya ni Kalila.

"Anong ibig mong sabihin, Priya?" Seryosong usal ni Nash.

"Aalis na kami sa susunod na linggo." Paglilinaw ko.

"Saan ba ang totoo niyong bahay? Lagpas ba sa Bachar? Sa dulo ng kapitolyo? Malapit sa palasyo?—"

"Sa Lospierra." Putol ni Shaun kay Coronel.

"ANO?!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Natakpan ko ang tenga ko dahil sobrang lakas talaga niyon samantalang binigyan naman sila ni Shaun ng bored-look.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now