PRIYA'S POV
Alas-dose na ng tanghali nang magising ako. Hindi ko namalayan ang oras, palibhasa ay madaling araw na ako nakatulog.
Letse kasing Azur 'yon. Ginambala niya lang naman ang tahimik kong gabi!
"I like you too, Priya."
Alam ko namang hindi totoo pero bakit parang totoo?! Nababaliw na ba talaga ako?!
Inis akong bumangon nang biglang kumirot ang sugat ko sa leeg. Nahawakan ko iyon bigla. Hanggang ngayon, hindi pa rin iyon magaling. Pero sigurado naman akong peklat na lang 'yun. Lalagyan ko na lang ng ointment cream pagkatapos kong maligo.
Lumabas na ako ng kwarto at papikit-pikit na naglakad patungong ref. Namili ako ng makakain doon. Since laging may dalang pagkain si Azur kapag pumupunta siya rito, sure ding maraming tira. Ako namang si tamad magluto, sa init-init lagi kumakapit.
Naglabas ako ng pritong manok. Inamoy ko muna 'yon bago isinalang sa kawali. Gusto ko kasing laging mabango ang kinakain ko para mas lalo akong ganahan.
Sumandal ako sa pader atsaka muling pumikit. Inaantok pa rin ako kahit tanghaling tapat na. Bakit kaya wala pa rin si Azur? Nasanay na kasi akong nandito siya tuwing umaga. Naabutan niya kaya akong tulog kanina kaya umalis na lang siya?
Tungkol sa nangyari kahapon, hindi niya ba sineryoso yung sinabi ko? I mean, hindi ko naman sinasabing totoong gusto ko siya. Pero kasi nung sabihin niyang gusto niya rin ako, hindi ako nakatulog nang maayos. Nakatulog kaya siya nang maayos o parehas kaming napuyat?
"Sunog na."
Agad akong napadilat nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nakita ko siyang nakatayo sa gilid ko kaya dali-dali akong napaatras.
"Anong ginagawa mo rito?!" Hindi ko namalayang napasigaw na pala ako sa gulat.
"Sabihin mo lang kung gusto mong sunugin 'tong bahay mo, tutulungan na kita." Walang kaemo-emosyon niyang sabi atsaka naglakad papuntang sala.
Kunot noo ko siyang pinagmasdan. Ayun na naman iyong tindig niyang kahit sino ay mamangha. Pino ang bawat galaw niya na tila hindi maaaring magkamali. Ang paraan niya ng paglakad ay tuwid na tuwid. Ang mga kamay niya ay parehong nasa likod. Ang ulo niyang bahagyang nakaangat na tila confident na condident sa kaniyang sarili—
Ano ba 'yong naaamoy kong nasusunog?
Otomatiko akong napatingin sa niluluto ko. Umaapoy na pati 'yung kawali! Ilag ngunit mabilis ko iyong pinatay. Dali-dali ko iyong binabad sa lababo at ang mga manok ko... nangitim na!
"May dala akong pagkain."
Napalingon ulit ako sa kaniya. Tulad ng araw-araw, walang emosyon ang boses niya. Ang hirap tuloy basahin ng ekspresyon niya, kung masaya, malungkot, galit, inis, o mema lang.
Kahit medyo labag sa loob, lumapit na lang ako sa kaniya habang may dalang plato, kutsara't tinidor at baso.
"Gutom ako kaya hindi na ako tatanggi." Ginaya ko ang paraan niya ng pagsasalita.
Anong akala niya, siya lang nakakagawa niyan? Kayang kaya ko rin 'no!
"Ayos ka na ba?" Tanong niya pero imbes na sumagot, dumako lamang ang paningin ko sa leeg niya.
Napasimangot ako nang mapagtantong hindi niya man lang isinuot ang niregalo ko.
Baka kinuha ni Kalila? Epal 'yon e.
"Wala ka bang balak kausapin ako?" Muli niyang tanong.
Sinalubong ko ang mga tingin niya saka siya inirapan.
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...