PRIYA'S POV
Nagising akong sobrang sakit ng ulo. Bumangon ako at pumasok sa banyo para maligo agad. Para kasi akong lalagnatin, sobrang init ng pakiramdam ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. I chose to wear a black frop with ribbon. Nabili ko 'to dati pagkatapos naming magperform sa isang pagdiriwang. Yeah right, kasama ko pa si Shaun non-Shaun na naman!
Marahas akong umiling atsaka dumiretso sa kusina para kumuha ng makakain. Malas lang dahil wala na pala akong supply ng pagkain. No choice kundi sa labas kumain at magpalipas ng oras.
Palabas na sana ako nang bigla kong masulyapan ang sofa. Walang tao ron pero bigla kong nakita ang sarili kong nakapatong kay Azur at nakikipaghalikan.
Natakpan ko ang bibig ko sa gulat. Pumikit ako atsaka inalala ang nangyari kagabi. Paulit-ulit kong tinuktok ang ulo ko dahil sa alaalang 'yon.
Sobrang dami ko bang nainom kagabi? Bakit ko ginawa 'yon?! Nakakahiya!
"What are you doing?"
Napadilat ako nang may magsalita sa likod ko. Agad na bumalik lahat ng inis at sakit nang makita ko ang mukha niya.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Coronel ordered me to pick you up." Sagot niya atsaka naglakad palapit sa akin. Umatras ako saglit at sinamaan siya ng tingin.
"Hindi ako pupunta sa studio. I have something to do."
"What is it?"
"Hindi mo na kailangang malaman." Pagkatapos ay inirapan ko siya.
Naglakad na ako palabas nang biglang bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok si Azur, naka-turtle neck habang naka-trench coat. Hindi ba siya naiinitan sa outfit niya?
"With him?" Biglang tanong ni Shaun.
I bit my lower lip as I shut my eyes. Bahala nang kainin ng kahihiyan mamaya, ang mahalaga ay maiwasan ko si Shaun!
"Yup, may date kami." Kumapit ako sa braso ni Azur atsaka ngumiti. "So if you don't mind, we have to go. Paki-lock na lang ng pinto." Then I grabbed Azur out of my house.
Lumiko agad kami sa isang kalye atsaka huminto.
"What was that?" Takhang tanong ni Azur.
Lumunok ako atsaka umiling.
"N-Nagugutom na ko. D-Diyan ka na." Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya.
Tumakbo ako papuntang Bachar at pumasok sa isang restaurant. Naupo muna ako atsaka huminga nang malalim.
Sht. Hindi ko na alam kung paano ko sila haharapin! Lalo na si Azur! Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?! Sinapian ba ako kagabi?!
Tatayo na sana ako para um-order nang may maupo sa harap ko. Natakpan ko agad ang bibig ko nang mapagtantong si Azur 'yon.
"Are you avoiding me?" Malamig niyang tanong habang walang emosyon ang mga mata.
Napalunok ako ulit atsaka mabilis na umiling.
Right, time to act.
"Bakit naman kita iiwasan? Nagugutom na kasi talaga ako kaya iniwan na kita ron." Pagrarason ko.
Gumana ka, please. Gumana ka.
"You're not good at lying, Alvapriya Leontine." Aniya dahilan para kilabutan ako.
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...