Lumulutang ang isip ko habang naglalakad pauwi. Pakiramdam ko nga ay hindi ko na naapakan ang lupa dahil parang ako rin ay lumulutang na.
Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko si Shaun. Sinasakop niya ang sistema ko! Hindi ko na alam kung paano pa 'to mapipigilan. Sobrang hindi ako makapaniwala sa nangyari.
He kissed me, I kissed him—We kissed each other last night!
Kaya pala ganun na lang ang pagkailang ko sa kaniya kanina sa studio. Hindi kaya... hindi siya nakalimot? Naaalala niya pa rin kaya ang nangyari sa amin kagabi? Nagpapatay malisya lang ba siya kanina?
Hindi ko na alam!!!
Wala sa sarili akong pumasok sa loob ng bahay ko. Hinubad ko ang aking sapatos at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko kalalakad.
"Dumating ka na."
Naibagsak ko sa sahig ang baso dahil sa pagkagulat.
Lumingon agad ako at nakita ko si Azur. Magkahalong bagot at antok ang bumabalot sa kaniyang mukha.
Napalunok ako at wala sa sariling napatingin sa kaniyang mamasa-masa at mamula-mulang mga labi. Ang labing iyan ang nahalikan ko kagabi. Ang labing dahilan kung bakit ako nagkautang sa lalaking ito.
"S-Sabihin mo kung magkano ang kailangan kong ibayad sa'yo." Diretso kong sabi atsaka siya tinignan sa mga mata.
Imbes na sumagot ay naglakad lamang siya palapit sa akin. Umatras ako nang umatras hanggang sa maramdaman ko na ang counter sa aking likuran.
Kumapa ako nang kahit anong pwedeng gawing pangsangga sa kaniya. Mabuti na lang at hindi ko isinabit ang kawali pabalik kanina. Kinuha ko iyon at tinutok sa kaniyang dibdib.
Kumirot bigla ang ulo ko.
Letseng Sophia kasi 'yun, hinampas niya nga pala ako ng kawali kanina. Baka nabasag ang bungo ko nito! Makakabawi rin ako sa kaniya, humanda lang talaga siya sakin.
"Mamaya na natin pag-usapan ang utang mo." Seryoso niyang sabi.
"Maituturing mo bang utang ang isang bagay na hindi naman sinasadya?" Mas seryoso kong tanong.
"Ako, oo." Sagot niya kaya nasapo ko na lamang ang noo ko.
Nakaramdam ako ng malapot na likido sa gilid ng aking sintido. Nanlaki ang mga mata ko nang maisip kung ano iyon. Biglang nanginig ang mga kamay ko at agad na pumunta sa lababo para maghilamos.
Parang wala naman akong naramdamang dugo kanina. Bakit ngayon, meron na?
"Saan mo nakuha 'yan?" Tanong niya habang hindi pa rin umaalis sa kanina niyang pwesto.
"Hinampas ako ng kawali." Walang gana kong sagot.
Nakakabadtrip kasing isipin si Sophia.
"Sinong humampas sayo?" Tanong niya ulit na parang gustong gustong malaman kung ano talaga ang nangyari sa akin.
"Hindi mo na kailangang malaman tutal isa lamang siyang dumi sa kuko mo." Asik ko at pumunta na sa kwarto para magpunas ng mukha. Kinuha ko rin ang first aid kit na nakatago sa cabinet. May katabi itong isa pang kahon pero dahil kailangan ko nang matakpan ang sugat ko ay isinawalang bahala ko iyon.
Lumabas ako at nagtungo sa sala. Kinuha ko ang maliit kong salamin at nagsimulang gamutin ang aking sintido.
"Hoy, Azur." Tawag ko sa kaniya. Sinenyasan ko siyang maupo sa single sofa habang ginagamot ko pa rin ang aking sarili.
"Hoy? Tss." Suminghal siya at ilang sandali lang ay sumunod rin.
Arte naman ng lalaking 'to. Ayaw matawag na 'hoy', tsk.
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...