PRIYA'S POV
"ANO?! TARANTADONG ABELMAN 'YON AH!" Galit na asik ni Coronel matapos kong ikwento ang nangyari kagabi.
"Sinabi mo pa. Kaya pala kataka-takang libre niya akong binigyan ng impormasyon tungkol sa hari noong araw bago ang piyesta, may binabalak pala siya sa akin." Aniko.
Nandito kaming lahat sa napakagandang bahay ni Azur. Ewan ko ba sa lalaking 'to at hindi niya ako inuwi sa bahay kagabi. Basta nagising na lang ako sa kwarto niya kanina. Siguro para hindi ako balikan ng Abelman na 'yon. Mas mabuti na ring ganito, at least ligtas ako.
"Impormasyon tungkol sa hari?" Wala sa sariling tanong ni Shaun.
"Mm, siya ang nagsabi sa akin na dadalo sa parada ang hari kasama ang reyna. Sundalo kasi sa palasyo ang ama niya kaya nakakuha siya ng ganon kalaking impormasyon." Paliwanag ko.
"Paano naman nagka-koneksyon sa Hennia ang lalaking 'yon? Isang taon na ang nakalilipas nang putulin ng hari ang koneksyon ng Arcadia sa bayang iyon, hindi ba?" Takhang mungkahi ni Nash.
"Underground society."
Napalingon kaming anim sa nagsalita.
"Anong alam mo sa undersoc, richkid?" Usal ni Wilder. Inirapan muna siya ni Azur bago muling sumagot.
"May suot siyang puting bandana kagabi. Nasisiguro kong iyon ang palatandaan ng Hennia."
Naupo siya sa single sofa na malapit lang sa akin. Katabi ko naman sa mahabang sofa sina Coronel at Nash. Sa kabilang single sofa si Shaun at nasa couch sina Wilder at Kalila.
"May palatandaan pala ang bawat bayan dito sa Nazanin." Mangha kong sambit.
"Kulay itim ang sa Arcadia na may tatak na letrang 'A'. Iyon ang nakita kong suot ng kumandante noong nagparada. Ibig sabihin ba niyon ay kasali sa undersoc ang kumandante ng reyna?" Ani Kalila.
"Maraming ginagawa sa undersoc. Hindi lang puro illegal transactions." Wika ni Azur.
"Tatlong bayan lang ang sakop ng Nazanin. Arcadia, Hennia at Los Pierra. Ano ang palatandaan ng mga taga Los Pierra?" Tanong ni Wilder.
Walang nakapagsalita sa aming pito hanggang si Shaun na mismo ang bumasag sa katahimikan.
"Kulay pulang bandana na may letrang L at P."
"Teka, kung sundalo sa palasyo ang ama ni Abelman. Ibig sabihin, may spy na kasama ang hari at reyna?" Nanlaki ang mga mata ko nang makagawa ako ng hindi kanais-nais na konklusyon.
"Maaaring si Abelman lang ang may koneksyon sa Hennia. May tyansang ginagamit niya lang ang ama niya para makakuha ng mga impormasyon tulad ng sinabi mo." Makahalugang sabi ni Shaun habang nakakrus ang dalawang braso at paa.
"Sa ngayon, kailangan mong mag-ingat dahil anumang oras ay pwede ka niyang balikan."
Napatingin ako ulit kay Azur.
"Bakit ba kasi ang tagal mo dumating kagabi? Pinaghintay mo kaya ako sa labas, tss." Singhal ko sabay irap.
"Nagkagulo sa Bachar at naipit ako sa siksikan." He reasoned out.
"Oo nga pala, kaninang umaga ko lang narinig ang tungkol riyan. Ang sabi ay may nakakita raw sa prinsesa kagabi. Ikinalat ng isang baliw ang balita hanggang sa dumating ang kumandante. Walang pagaalinlangan niya itong pinatay. Nataranta ang mga taong nakasaksi. Nag-iwan ang kumandante ng babala bago umalis, ang sinumang gumawa ng kwento tungkol sa maharlikang pamilya ay hahatulan ng kamatayan. Nakakatakot." Mahabang kwento ni Wilder.
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...