"Galit ka ba?" Nag-aalala kong tanong kay Azur nang mapansing kanina pa siya walang imik.
Naglalakad na kaming tatlo papuntang plaza since doon kami magp-perform. Medyo nakakapressure nga dahil manonood ang reyna at hari mamaya but still, it's a great pleasure for us, La Souza.
"Bakit naman ako magagalit?" Walang emosyong tanong pabalik ni Azur sa akin.
See? Nagtatanong siya ng ganiyan, e siya nga 'tong para talagang galit.
"Baka kako nagalit ka kasi natalo ka sa pustahan natin." Pahina nang pahina kong sabi.
Narinig ko siyang suminghal kaya mas lalo akong napanguso.
"I accept defeat just as I accept victory." Tipid ang ngiti niyang sambit. "You can have me tomorrow for the consequence. May dadaanan lang ako saglit." Paalam niya sa amin ni Coronel saka walang lingon-lingong tumaliwas ng direksyon.
"He's kinda weird." Nakangiwing sabi ni Coronel kaya natawa na lamang ako.
"Sinapak mo siya kanina without knowing na nag-uusap lang kami kaya weird ka rin!" Pabiro kong asik saka siya muling kinurot sa tagiliran.
"Aray ko! Para kang si Mama!" Parang bata niyang reklamo kaya mas lalo akong natawa.
Parang tanga ngumuso ba. Parang tangang pato.
Nang makarating kami sa plaza ay naabutan namin sina Wilder at Kalila na nagbabangayan na naman habang nags-set-up ng mga instruments. Pati si Nash ay panay ang pangbubuyo sa dalawa habang tumatawa.
Pasimple kong inilibot ang aking paningin para hanapin si Shaun pero wala siya rito.
Nasaan naman kaya 'yun? Seven minutes na lang bago magalas-dose ah.
"Looking for Shaun?" Nakangising bulong sa akin ni Nash.
Ni hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya sa akin. Okupado na naman kasi ng lalaking iyon ang isip ko. Lagi na lang ganito, tss.
"Where is he?" Diretso kong tanong since wala naman nang sense kung magpapaligoy-ligoy pa ako sa kaniya.
Itsura pa lang ni Nash, pangmatalino na. Alam kong alam niya na may gusto ako kay Shaun.
After what he did to me, I still like him.
Mahirap kalabanin ang pagiging marupok e, edi kakampihan ko na lang.
"I told him to buy some mineral water since we didn't brought any of it." Aniya pointing to the mineral waters left in the studio.
"Saan siya bumili?" Tanong ko ulit. Instead of answering me, he gave me this fishy-eye-looks. "I just want to ask him something." Pagkaklaro ko agad.
"Diyan lang sa labas..." Lumapit pa siya ulit sa tenga ko. "Mga malalaking mineral water ang pinabili ko sa kaniya kaya tulungan mo na lang siya bago ka pa maunahan ni Kalila." Bulong niya saka ako kinindatan.
Naiilang akong tumawa saka sinulyapan si Kalila na hindi pa tapos sa pakikipagbayangan kay Wilder. Dahan-dahan akong umatras atsaka tumakbo palabas ng plaza.
Sana maabutan ko pa si Shaun. Kahit tinarayan ko siya kanina, gusto ko pa rin naman siya. Mahirap nang mabago 'yun.
Bago pa man ako tuluyang makatawid sa kabilang kalsada ay may humampas na sa batok ko. Hindi ko na nagawang lumingon pa dahil otomatiko na akong nilamon ng kadiliman.
▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎
THIRD PERSON POV
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...