KABANATA 20

5 0 0
                                    


PRIYA'S POV

"Saang lupalop ba ng mundo nagsuot ang Azur na 'yon?!" Hindi ko na napigilang mainis habang kumakain kami ni Coronel sa isang resto rito sa Bachar.

Bestfriend date, walang malisya.

"Ewan, bakit sakin ka nagagalit?" Sumimangot siya sabay higop ng noodles. "Basta ang sabi niya lang sa amin, baka matagalan siya bago makabalik."

"Dapat kinausap niya ko!"

"Hindi mo kaya siya pinapansin. Sinong niloloko mo?" Pasaring niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya nginitian na lang ako ng loko.

Well, may point naman siya. Kasalanan ko naman kaya wala akong karapatang magalit. Siguro pwedeng inis.

Nakakakonsensiya tuloy!

Sino ba kasing ugok ang nagbigay sa akin ng sulat na 'yon?! Bwisit.


*****


Isang linggo na ang lumipas pero wala pa ring Azur na bumabalik. Hindi ko maintindihan pero hinahanap-hanap siya ng sistema ko. Nasaan na ba kasi siya?

"Here." Nag-angat ako ng tingin sa pag-asang si Azur 'yon pero agad naglaho ang ngiti ko nang makitang si Shaun lang pala.

"Thanks." Sagot ko atsaka tinanggap ang bote ng tubig na inaalok niya.

"What are you thinking?" Tanong niya atsaka ginaya ang pwesto kong nakaupo sa stage habang nakalaylay ang paa.

Tama lang rin ang distansiya namin sa isa't isa kaya hindi nagwala ang lamang loob ko dahil sa kilabot na hatid niya lagi sa akin.

"Bakit mo naman naisip na may iniisip ako?" Aniko sabay inom.

"Labas muna kami!" Paalam ni Nash habang nakatingin sa amin ni Shaun, kasama niya sina Wilder, Kalila at Coronel.

"Sumama ka na kasi." Rinig kong pamimilit ni Wilder.

"Bakit ba kasi kailangan kasama pa ako? Letse." Reklamo ni Kalila.

"Dali na kasi, please."

"Oo na! Letse ka pa rin!"

Nagtaas-baba naman ng kilay si Coronel habang binibigyan ako ng pang-asar na tingin. Itinaas ko ang hawak kong bote at akmang ibabato sa kaniya pero kumaripas na siya ng takbo palabas.

Tumatawang sumunod sa kaniya si Nash at iyong dalawang hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin.

Nang maiwan na kaming dalawa ni Shaun dito sa loob ng studio ay bigla akong nakaramdam ng awkwardness.

Siya lang naman kasi ang kilala kong tao na literal magbigay ng motibo. Kakausapin niya ako ngayon na parang wala lang talaga ang nangyari last week sa banyo. Ano 'yong yakap? 'Yong kiss sa noo? 'Yong 'I missed you'? Oh diba? Napakalupit.

"What are you thinking now?" He asked again.

"I'm thinking about you and your damn motives. Just be mindful of your actions and words, I might get the wrong signal." I answered honestly.

"I'm sorry." Nagbaba siya ng tingin sa sahig kaya marahas akong huminga nang malalim. "What's with the deep sigh? Are you really that frustrated on me?"

Umiling ako atsaka siya tipid na nginitian.

"Pansin ko lang, you talk english fluently. Saan ka natuto?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now