KABANATA 23

7 1 0
                                    


PRIYA'S POV

Maaga akong gumising or should I say, hindi talaga ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay hindi ko maabsorb lahat!

Ang totoo kong mga magulang na taga-Lospierra. Ang reyna na gusto akong patayin. Si Azur na hari at hinalikan ako kagabi.

Parang sasabog ang utak ko kakaisip! Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to sa akin?!

Matapos ang ilang buntong hininga ay napagdesisyunan ko nang bumaba. Nagulat pa ako nang may makita akong mga naka-itim na lalaki sa sala. Yumukod sila sa akin at sinenyasan ko naman silang hindi na kailangan.

Dumiretso ako sa kusina at naghanda ng pwedeng lutuin. Mabuti na lang talaga at maraming raw food sa ref. Hindi ako nahirapang mag-isip ng lulutuin.

Bigla ko tuloy na-miss si Aling Josefina. Kamusta na kaya siya? Ilang linggo na akong walang balita sa kaniya.

"Good morning."

I flinched when someone talked behind me. Nakarinig ako ng pagsara ng pinto kaya ilang akong lumingon. Nagsipaglabasan na pala ang mga tauhan ni Azur. Kaming dalawa na naman ang natira.

"M-Magandang umaga, ka—I mean, Azur." Utal kong bati.

Narinig ko siyang suminghal. Naupo siya sa may counter at tinitigan ako.

"What are you cooking?" Tanong niya.

Bakit parang dumadalas ang page-english niya? Dahil ba alam ko nang hari siya? Napipilitan lang ba siya magtagalog noong hindi ko pa alam?

"Nasusunog na."

"H-Ha?" Agad kong tinignan ang kawali.

Nataranta ako nang makitang itim na ang manok. Pinatay ko agad ang lutuan, hindi ko man lang napansin na napalakas pala ang apoy ko.

"Maupo ka na ron."

"H-Ha?"

"Ha?" Panggagaya niya sa akin sabay irap. "Ako na ang magluluto. Maupo ka na roon." Malinaw niyang paguulit.

"Sorry." Binitawan ko na ang kawali at sumunod sa iniutos niya.

Naupo ako sa counter kung saan siya nakaupo kanina. Siya naman ang pinanood kong magluto.

"Hindi ko alam na marunong ka palang magluto." Aniko, sinusubukang magtunog normal.

"Nito lang ako natuto." Sagot niya habang hindi ako nililingon.

"Sinong nagturo sayo? Si Mang Tomas?"

Saglit siyang natahimik nang mabanggit ko ang pangalan ng kaibigan niya—na mukhang kumandante pala ng hari.

"Oo." Tipid niyang sagot at hindi na nagsalita pa.

Hindi na rin ako umimik. Pinanood ko siya hanggang sa matapos. Ako naman ang nag-ayos ng pinggan at baso.

"Kailan babalik si Mang Tomas?" Tanong ko nang magsimula na kaming kumain.

Ito ang gusto niya, ang maging normal pa rin ang pakikitungo ko sa kaniya kaya susubukan ko. Isa pa, naging magkaibigan na rin naman kami.

"Hindi na siya babalik."

Kumunot nang bahagya ang noo ko.

"Bakit naman? Saan ba talaga siya pumunta?"

"Hindi na siya babalik dahil wala na siya."

Natigil ako sa pag-kain nang marinig ang isinagot niya.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now