"CORONEL!" Malakas kong tawag dahilan para hindi lang siya ang mapatingin sa akin kundi ang iba pang mga naglalakad sa kalye.
Nakangiti ko siyang kinawayan saka naglakad palapit sa kaniya.
"Priya..." Nakangiti niya ring banggit sa pangalan ko.
"Ano? Gandang ganda ka na naman sa 'kin?" Mahangin kong sabi atsaka umikot na parang modelo sa harapan niya.
Suot ko kasi ang brown shawl collar frock coat at floppy hat na binili niya para sa akin kahapon. Pati ang natanggap kong wedge ankle boots kagabi. Ginamit ko rin agad iyong ointment kaya wala nang bahid ng anumang peklat ang palapulsuhan ko. In short, sobrang ganda ko na talaga ngayon.
"Wow." Manghang mangha niyang sabi kaya natatawa ko siyang hinampas sa braso.
"Tumataas masyado ang self confidence ko kapag nakikita kitang sobrang nagagandahan sa 'kin. Pakiramdam ko makakakanta talaga ako nang maayos mamaya." Hindi ko mapigilang matuwa.
"Self confidence, tss. Mas lalo ka kamong yumayabang." Nakangiwi niyang sabi kaya pabiro ko siyang sinimangutan.
"Wala na, mababa na ulit self confidence ko. Hindi na ako makakakanta nang maayos mamaya, pipiyok ako tapos makakalimutan ko 'yung lyrics tapos pagtatawanan ako ng mga tao tapos—"
Nahinto ako sa pagda-drama nang pitikin niya ako sa noo.
"Ang dami mong sinasabi, tara na. Alas-nwebe ng umaga ang usapan, alas-diyes ka na sumipot."
Sininghalan ko na lang siya at inirapan.
"Kasalanan mo kapag napahiya ako mamaya. Isaksak mo 'yan sa kokote mo." At inunahan ko na siya sa paglalakad.
"Hoy! Bakit ako?!" Habol niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.
*****
Nakarating kami sa studio ng La Souza. Dito sila laging nagp-practice at gumagawa ng sariling kanta. Minsan naman ay dito rin sila nagp-perform pero madalas kasi silang may mga natatanggap na promotions kaya kung saan-saan sila pumupunta para magpakitang gilas.
Naabutan namin ni Coronel ang iba niyang kamiyembro sa stage at nag-eensayo. Pumalakpak siya nang malakas dahilan para mapatingin silang lahat sa amin-- sa akin.
"I have our new member." Aniya at inakbayan ako.
Tumayo ang iba sa kanila para tignan ako mula ulo hanggang paa. Parang sinisiyasat kung ano ba ang meron sa akin at ano ang kaya kong gawin.
Iginiya ako ni Coronel palapit sa kanila kaya agad na dumaloy ang matinding kaba sa sistema ko.
"H-Hi, g-good morning. I-I'm—"
Hindi ko na natapos ang pagpapakilala ko nang may magsalita mula sa likod.
"Stop stuttering."
Nilingon naming lahat kung sino iyon at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko muli siya.
"Mister yelo?" I almost whispered.
Nakapamulsa siyang naglakad at pinasadahan lamang ako ng tingin.
"Oo nga, 'wag kang mahiya." Singit ng isang lalaking nasa stage. May hawak siyang electric guitar at ang cool ng posture niya.
Nakamot ko na lang ang batok ko atsaka yumuko ng kaunti.
"I'm Alvapriya Leontine Halston. Coronel's bestfriend." Sa wakas ay hindi na ako nautal.
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...