PRIYA'S POV
"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Balita ko ay nilagnat ka raw kaya ka hindi nakapasok." Usap sa akin ni Cesar. Alas-nwebe trenta na at handa na kaming magsara dahil wala na rin namang customers.
"Lagnat lang 'yon, sa tingin mo ba ay magpapatalo ako sa lagnat lang?" Biro ko.
"Oo nga naman, hindi ka si Priya kapag hindi ka nagyabang." Nakangiwi niyang usal.
Sinimangutan ko na lang siya. Sakto namang bumukas ang pinto at niluwa niyon si Sophia.
"May naghahanap sayo sa labas, tss." Singhal niya at lumabas na ulit.
"Kahit kailan talaga, hindi marunong kumausap ng maayos 'yon." Bulong ko.
"Ano pa nga ba? Mas mataas pa sa tore ng Arcadia ang sungay niyan." Natatawang sabi ni Cesar. Nag-apir pa kaming dalawa bago ako naglakad palabas.
Naabutan ko ang isang babae roon. Mag-isa lang siya sa mahabang mesa. Pakiramdam ko nga ay hindi siya nababagay sa karinderyang 'to. Masyadong maganda ang suot niyang princess coat at sumbrero. Sumisigaw pa sa sobrang kinang ang suot niyang kwintas, hikaw at singsing. Hindi ba siya natatakot na mahold-up sa daan?
"Hi, Priya." Bati niya sa akin habang suot ang napakatamis niyang ngiti.
Napapitik ako sa hangin nang maalala ang pangalan niya.
"Namya! Hindi ba?"
"Glad you still remember me."
Naupo ako sa tapat niya.
"Anong ginagawa mo rito at bakit gusto mo kong makausap?" Tanong ko sa kaniya.
"Kaarawan ko sa susunod na anim na araw, nais kitang imbitahin bilang bagong kaibigan."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Hinanap mo pa talaga ang pinagtatrabahuan ko para imbitahin ako?"
"Mm, sikat ka naman sa buong Arcadia kaya natunton kita agad."
Wow. Parang dumadami ang mga yayamanin kong kaibigan ah.
"Sigurado ka ba diyan? Bagong kaibigan mo na ako?"
"Oo naman, unang kita ko pa lang ay nagandahan at nabaitan na ako sayo."
"W-Whoa, alam kong maganda ako pero mabait? Hindi naman masyado. As long as mabait ka sakin, mabait din ako sayo." Tapat kong sabi.
"So paano? Pumunta ka ha? Hindi ko alam ang bahay mo kaya sa Arcadia Bridge na lang kita ipasusundo."
"Sige, maraming salamat. Napakabait mo naman, naisipan mo pa talaga akong imbitahin."
"Sige, mauna na 'ko." Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako.
"Ingat ka."
*****
THIRD PERSON POV
Kalahating oras nang naghihintay si Priya sa labas ng karinderya pero wala pa rin si Azur. Lumalakas na ang simoy ng hangin kaya napagdesisyunan niya nang umalis.
"Paasa ang bwisit." Inis niyang bulong sa hangin.
Habang naglalakad ay napansin niya ang biglaang pagpatay ng mga poste ng ilaw. Nahinto siya sa paglalakad dahil sa kaba. Tanging buwan na lang ang nagbibigay liwanag sa madilim na daan.
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...