KABANATA 25

7 0 0
                                    


ZEAN AZUR DE STACIO'S POV

"Ako ang kapatid mo..."

Agad kong dinaluhan si Priya nang bigla siyang mawalan ng balanse. Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang lumayo sa akin. Humawak siya sa railings ng tulay atsaka tumawa nang mahina.

"Prank ba 'to? Birthday ko ba?" Tanong niya habang papalit-palit ang tingin sa amin ni Shaun—o ni Ashillian.

"Hindi mo birthday pero parang birthday ko."

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"Coronel! Ikaw pala ang may birthday pero ako ang pinagtitripan ni Shaun." Nilampasan niya ako at lumapit sa bestfriend niya.

"Shaun... hindi ikaw si Shaun?" Naguguluhang tanong ni Coronel sa kabanda.

"Sinabi ko na ang pangalan ko. Uulitin ko pa ba?" Sarkastikong tugon ni Ashillian.

"Ibig sabihin... magkapatid kayo ni Alvapriya? Paano nangyari 'yon?!"

"Ang dami mong tanong, Coronel. Umalis na tayo at kumain. Kanina pa ako nagugutom. Bored lang 'yang si Shaun, tara na." Hinila na ni Priya ang kaibigan pero hindi ito nagpatianod.

"Priya, kapatid mo si Shaun. Hindi 'yon marunong magbiro!"

"Kung hindi siya marunong magbiro, pwes, hindi ako uto-uto!"

"Nasa harap mo na ang katotohanan, tatalikuran mo pa?"

"Dion... hindi ko siya kapatid. Hindi ko siya pwedeng maging kapatid!"

"Bakit? Dahil ba may gusto ka sa kaniya?"

Hindi nakasagot si Priya nang ibato ni Coronel ang tanong na hindi niya inaasahan.

"Priya, nandito na ang tunay mong pamilya. Bakit ba tinatalikuran mo pa? Ito ang matagal mo nang hiling, diba?"

Imbes na sumagot ay unti-unting humikbi si Priya. Mula sa hikbi ay tuluyan na iyong lumakas.

Gusto ko siyang lapitan at aluin pero sinenyasan ako ni Coronel na siya na ang bahala. Kumunot ang noo ko dahil wala siyang karapatang bigyan ako ng anumang senyas.

Muli kong nilingon si Shaun. Nakatingin lang siya kay Priya atsaka huminga nang malalim. Sigurado akong gusto niya ring lapitan ang kapatid niya.

May binubulong si Priya pero hindi ko lubusang maintindihan. Tila si Coronel lang ang gusto niyang makarinig.

Tss, magkaibigan lang ba talaga sila?

"Kapatid mo si Shaun, mahirap mang intindihin sa ngayon... darating ang panahon na matatanggap mo rin. Priya, nandito na ang isa sa mga kapamilya mo. Hayaan mong ipaliwanag niya sayo lahat—Priya? Priya!"

Naging alerto ako nang biglang mawalan ng malay si Priya. Sinenyasan ko si Coronel na ako na ang magbubuhat, pumayag naman siya. Wala rin naman siyang karapatang tanggihan ako.

"Bumili ka ng pagkain. Dalhin mo sa bahay ni Priya." Utos ni Shaun kay Coronel.

"Ha? Ako?"

"Alangang ako, tss. Bilis na."

Napailing na lang ako.

Hindi man ako sigurado, makas ang kutob kong may kakaiba kay Ashillian.

Ashillian... parang narinig ko na 'yon dati. Hindi ko lang talaga maalala kung saan at kailan.


*****

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now