PRIYA'S POV
"Una na 'ko, guys. May pagtitipon mamaya ang pamilya namin sa bahay. Kailangan ko pang tulungan si Mama." Paalam ni Nash sabay ayos ng dala niyang bag.
"Anong klaseng pagtitipon, Nash? May pagkain ba?" Tanong ni Wilder. Binatukan naman siya ni Kalila.
"Mukha ka talagang pagkain kahit kailan."
"Masama bang magutom, ha?"
"Pagdating sayo, oo."
Napailing na lang ako nang magbangayan ulit sila. Hindi ata natatapos ang araw nang hindi sila nagsasagutan.
"Sasabay na ako kay Nash. May dadaanan pa kasi ako sa Bachar." Ani Coronel.
"Mag-iingat kayo." Kinawayan ko silang dalawa.
"Sabay ka na, Priya. Madadaanan ko naman ang kalye patungo sa karinderya ni Aling Josefina." Aya niya sa akin.
"Hindi ayos lang. Hihintayin ko pa kasi si Azur. Mauna na kayo."
"Si Azur?" Kumunot ang noo niya.
"Kayo ah, anong meron sa inyo ni Azur?" Mapanuyang tanong ni Wilder sabay taas-baba ng kilay.
"Wala naman, malisyoso ka lang talaga." Ngiwi ko.
Tumawa naman siya sabay hampas kay Nash.
"Tara na nga, sabay na rin ako sa inyo."
"Ikaw, Kalila? Sabay ka na rin." Aya ni Coronel.
"Hindi ba kayo makakaalis nang kayong tatlo lang?" Sarkastiko nitong sabi.
"Kaysa naman umuwi ka mag-isa. Kahit magdasal ka habambuhay diyan, hindi ka isasabay ni Shaun pauwi." Pang-aasar ni Wilder.
"Excuse me?!"
"Oh, dadaan ka?"
"Mamaya pa ako uuwi. Mauna na kayong lahat." Putol ni Shaun sa asaran ng dalawa.
Nakita kong sumimangot si Kalila pagkatapos ay inirapan niya si Wilder. Kinuha niya na ang bag niya atsaka naglakad palabas.
"Pikon talaga." Bulong ni Wilder atsaka sumunod.
"Paano ba 'yan? Kitakits na lang bukas." Sambit ni Coronel.
Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Mag-iingat kayo ni Azur." Saka siya tipid na ngumiti.
"Kayo rin."
Nang tuluyan na silang makaalis ay dalawa na lamang kami ni Shaun ang naiwan. Inayos ko na ang gamit ko habang siya naman ay patuloy lang sa pagtugtog ng piano.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapamilyaran ang kantang tinutugtog niya. Iyon ang kinanta ko noong nag-audition ako sa La Souza.
Kinuha ko na ang pitaka't payong ko na naiwan noong nakaraang araw. Inaakyat pa rin ng kahihiyan ang sistema ko kapag naaalala ko ang araw na 'yon.
"U-Una na ako, ingat ka pag-uwi." Paalam ko sa kaniya atsaka dali-daling lumabas.
Masyado siyang tahimik at tanging piano lang ang maririnig sa paligid. Kapag nakatalikod ako, pakiramdam ko ay may kasama akong multo. Mas mabuting lumabas na lang ako para hintayin si Azur.
Bakit naman kaya wala pa 'yon?
Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kahapon. Bakit kaya siya napuyat? Magkaparehas ba kami ng rason?
YOU ARE READING
Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|
RomanceA faceless king who will fight for his throne and make Arcadia a better country that he wishes for. Unexpectedly, he met a girl with unusual personality. He fell in love and at the same time, he found his weakness. In the beginning, everything went...