KABANATA 05

14 1 0
                                    

Bumangon ako habang hawak ang aking ulo. Dahan-dahan akong nagmulat at halos umikot ang buo kong paningin nang makakita ako nang liwanag. Mukhang may tama pa rin ata ako hanggang ngayon. Hindi ko maalala lahat ng nangyari kagabi. Blackout ang isip ko, as in!

Napansin ko ang lumang comforter ng aking higaan atsaka ko lamang napagtantong nandito ako sa sarili kong kwarto.

Ang tanong, paano ako nakauwi? Bakit wala akong maalala? Nasobrahan ba ang ininom kong alak kagabi? Parang dalawang baso lang naman 'yon ah.

Nakaramdam ako ng uhaw at panunuyo ng lalamunan kaya kahit nahihilo ay pinilit kong tumayo para pumunta sa kusina.

Gusto ko nang malamig na malamig na tubig!

Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong sobrang daming pagkain sa mesa. Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil hindi lang iyon basta-bastang pagkain, sobrang mahal ng mga iyon! Alam ko ang mga ito dahil nakikita ko ito sa menu ng mga bahay-kainan sa Bachar!

Idagdag pa ang ideyang nagmumukha itong ginto na nakapatong sa isang putik. Ang luma kong mesa na yari sa kahoy ay hindi nababagay para patungan ng ganitong klaseng pagkain.

"Gising ka na."

Napalingon ako agad nang may marinig akong magsalita sa aking likuran.

Doon ko nakita ang lalaking nakasuot ng kulay itim na cloak. May katangkaran at kakisigan ang pangangatawan. Hindi ko pa nakikita ang buong mukha niya dahil bahagya siyang nakayuko habang suot ang sumbrero nito.

"S-Sino ka?!" Buong tapang kong tanong atsaka umatras palayo sa kaniya.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid para maghanap ng maaari kong gamitin pamprotekta kapag sinugod ako ng nilalang na 'to.

Nasagi ng mga mata ko ang nakasabit na kawali sa kusina. Tinignan ko muna siya ng masama bago tumakbo para kunin iyon. Nakita ko ang kutsilyong nakasabit din pero agad akong napailing. Hindi ako marunong gumamit ng kutsilyo sa ganitong sitwasyon at baka ako pa ang masaksak kapag nanlaban siya. Itong kawali na lang para magpupukpukan lang kami 'pag nagkataon.

Bumalik ako atsaka siya tinutukan ng kawali.

"Sabihin mo kung sino ka at kung bakit ka nandito sa bahay ko." Matapang kong tanong.

"Hindi mo na ba naaalala?" Kahit hindi siya nakatingin ay batid kong nakangisi siya at tila natatawa sa akin.

Sumalubong ang kilay ko saka nag-isip kung saan ko nga ba siya unang nakita pero wala talaga akong maalala.

"Sumagot ka na lang. Ang dami mong satsat!" Asik ko dahilan para sandali siyang matahimik.

Naglakad ako palapit sa kaniya pero hindi man lang siya umatras kaya para akong tangang bumalik sa pwesto ko.

"Ano? Hindi ka makapagsalita? Bakit? Magnanakaw ka, 'no?!" Kompronta ko pa sa kaniya sa pag-aakalang makukuha ko siyang pasagutin pero wala pa rin.

Bakit ba hindi siya nagsasalita?!

"H-Hoy! Siraulo ka ba? Sumagot ka!" Naiinis kong bulalas.

Napansin ko ang pag-angat ng dalawa niyang balikat na tila ba bumuntong hininga siya.

"Ano?! Pahinga-hinga ka lang diyan?! Umalis ka na bago pa 'ko tumawag ng mga otoridad!" Itinuro ko pa ang pinto na parang pinapalayas talaga siya.

"Hindi ako aalis." Simple niyang sagot at naupo sa luma kong sofa. Pinagpagan niya pa nga iyon na parang labag sa kalooban ang pag-upo.

"At bakit?! May sinabi ba akong umupo ka?! Sabi ko, alis!" Pakiramdam ko ay tataas ang dugo ko dahil sa lalaking ito.

"Nandito ako para maningil." Mahinahon niyang wika.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now