KABANATA 07

9 1 0
                                    

"You're overreacting, Priya." Azur said as he looked at me hopelessly.

"What? I'm just stating things I can do to avoid Shaun. In that way, makaka-move on agad ako." Hinawakan ko ang aking dibdib sa pagtukoy ng aking sarili.

"Yeah right, you call hiking, boating, and star gazing just a thing." Puno ng sarkasmong sabi niya.

"Oh dear, Azurzurzur. Pastime is what I mean." Mapang-asar kong sabi atsaka siya inirapan.

"But at the end of the day, you can't just avoid him. Magkikita at magkikita kayo sa studio, magpapractice at magsasama kayo sa iisang performance at pareho kayong tagarito sa Arcadia. You get my point?"

Sumimangot na lang ako saka nagpatuloy sa pagkain. Nandito kami sa bahay ko at nanananghalian. Trenta minutos bago mag-alauna.

"Tinanong mo ako kagabi kung posible bang halikan ka ng isang lalaki pero hindi naman nito ginusto." Bigla niyang sabi kaya takha ko siyang tinignan.

"Sabi mo, depende sa motibo diba?"

Ilang segundo siyang nanahimik na parang may malalim na naisip.

"If people can say 'that's funny' without laughing, surely they can kiss you without feelings..." Nagtama ang mga mata namin. "So don't be fooled." Dagdag niya pa.

"Psh, wag na nga nating pag-usapan 'yan. Kumakain ako e." Asik ko saka kumuha ulit ng bagong pritong manok.

Perks of having Azur inside my house, free foods.

"Hindi na muna ako a-attend ng meeting, sa susunod na araw na lang bago ang piyesta-- oh shit." Napamura na lamang ako nang may ideyang pumasok sa aking isip.

"Don't curse, lady. You're in front of foods." Saway sa akin ni Azur pero hindi ko siya pinansin.

Uminom ako ng tubig atsaka sumandal sa luma kong sofa.

"What if may performance kami pagdating ng piyesta? Malapit na 'yun, kailangan kong umattend ng practice." I concluded dahilan para agad akong manlumo.

Hindi pa ako handang harapin si Shaun! I can't! I really can't!

Anong gagawin ko?!

"Edi bukas ka magpractice." Azur suddenly suggested.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

"P-Pwede kaya 'yun?" Tanong ko at mabilis naman siyang tumango.

"If you really don't want to see him, then don't." Aniya dahilan para mapangiti ako nang sobrang lawak.

"Napakasupportive mo naman." May halong asar kong sabi. Nagkibit-balikat na lamang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay sinimulan ko nang linisin ang pinagkainan namin. Kinuha ko lahat ng gamit na pinggan at pinagpatong-patong iyon.

Kumunot ang noo ko nang makitang prente lamang siyang nakaupo sa kanina niya pang pwesto.

"Ano? Pagkatapos kumain, hahayahay ka lang diyan? Tulungan mo akong maglinis." Bulalas ko at hindi nakatakas sa aking paningin ang bahagyang pagsalubong ng kaniyang kilay.

"You're my personal aide. Ikaw ang maglinis." Sambit niya at umiwas ng tingin.

Tumayo ako nang maayos at pumaywang sa harapan niya.

"Dalawa tayong kumain kaya dalawa rin dapat tayong maglinis. Kaya hindi umuunlad ang lipunan e, hindi kasi patas mag-isip ang mga taong tulad mo." Pahina nang pahina kong sabi sabay singhal.

"Wala naman kasing patas sa mundo." Pabulong niyang wika atsaka tumayo.

"Oh, aalis ka?" Gulat kong tanong.

Arcadia's Dulcet Secrecy |Completed|Where stories live. Discover now