05 | Kill this love

4K 100 16
                                    


05
Kill this love

Tumunog ang timer. Maingay na nakapila sa labas ng classroom ang mga estudyante. Hindi mapakali ang iba sa sobrang kaba. Sa bawat tunog ng bell ay hudyat na papasok ang isa sa loob. Magkakahiwalay ngayon ang barkada sapagkat nakaayos ang pila by alphabetical.

Halata ang kaba sa galaw ni Bryles sapagkat pabalik-balik siya sa pinto para makisilip sa loob pero tinakpan ito kanina gamit ang kurtina. Samantalang ang ibang kaibigan naman ay kampante lang na naghihintay sa gilid.

May mga ibang humahabol pa ng aral sapagkat halos limang minuto lang silang nasa loob ng classroom bago pinalabas para sa kanilang practical exam sa laboratory.

Dalawang babae ang nasa harap ni Bryles bago ang kanyang pagpasok. Si Haniel ay nasa loob na kanina pa. Tahimik lang ako sa tabi ni Achi.

"Di ka kinakabahan?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ako kakabahan? Nagbasa ako kahapon diba." mayabang niyang sabi.

Umusad ang pila hanggang si Achi na ang pumasok. Bumungad sakin ang magkakahiwalay na microscope sa mesa. May mga arrow na nakadikit at papel na katabi nito kung saan dito nakalagay ang limang tanong na dapat nilang sagutan.

Umupo muna siya sa isang bakanteng upuan at humarap sa white board. Bibigyan lamang sila ng isang minuto kada station. Kalmado lang siya buong practical samantalang ang iba ay halos maiyak na. Ang iba ay may blangko sa kanilang papel pero itong si Achi ay may sagot sa lahat.

Nakisilip ako kanina sa isang microscope. Hindi ko alam kung ano iyon pero ang astig. Indeed we can't see things with our naked eyes.

Nang natapos na ang lahat ay pinauwi na din sila ng kanilang prof. Wala na silang next subject so they're free for the rest of the day.

Umalis na sila sa classroom at nagkanya kanyang punta sa kanilang sasakyan. Daan patungong bahay ang aming tinahak habang ang kanyang mga kaibigan ay nakasunod sa likod. Pinasok ni Achi ang kanyang sasakyan sa loob samantalang ang iba ay pinark na lang sa labas.

Sunod sunod silang dumiretso sa hapag at doon ay marami na ang nakahaing pagkain. Takam na takam ako habang sila ay nagsilamunan. Mukang sanay na ang mga kasambahay sa presensya ng mga kaibigan ni Achi.

Dito kaya sila lagi pumupunta kapag natapos na ang kanilang klase?

Siguro depende sa trip nila. Mas kampante ako kapag nandito sila, di tulad noong nakaraang araw na nagpunta silang bar. Akala mo mga nakawala sa hawla kung magsasayaw doon at aakalain mong hindi sila nakainom ng likido sa loob ng ilang araw kung makainom ng alak.

Bilib din ako sa atay nila ha.

Nakarami sila ng inom noon kasi nagsikainan muna sila bago sila magpunta sa bar. Gaya nga ng pagkakarinig ko, matagal daw malasing ang busog. Kaya ayun, nakita ko ang tinatago nilang anyo kapag lasing, ang pagiging sobrang makulit!

"Hindi kayo aalis?" tanong ko kay Achi na ngayon ay kasalukuyang nagbibihis.

"No. Gusto lang ng mga yon tumambay dito."

"Ok. Dito na lang muna ako sa kwarto mo para hindi ko kayo maistorbo." sabi ko sabay dive sa kama.

Hinintay ko ang pagsara ng pinto pero wala akong narinig. Inangat ko ang aking paningin at nakitang nakatayo pa rin sa dulo ng kama si Achi na malalim na nag-iisip.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon