15 | Rejected

3.3K 81 11
                                    


15
Rejected

This is really hard for me to process.

Ganon pala talaga, kung kailan ikaw na ang nasa sitwasyon bigla ka na lang natatanga at nawawalan ng kaalaman sa bagay-bagay. Hindi mo na malaman ang gagawin sapagkat ikaw na mismo ang nakasalang sa mga magaganap. Kasabay no'n ang mausisang pag-iisip  sa kung anong dapat mong gawin.

Ayaw mong magkamali kaya naman natatakot kang kumilos ayon sa gusto mo, at kung minsan sa takot ay pinapaubaya pa ang mga desisyon sa ibang tao.

Totoo nga, kung gaano tayo kagaling magbigay ng payo sa iba gayundin ang siyang pagbaluktot natin sa ating pananaw. Kahit alam mo na ang sagot , mas gugustuhin mo pa rin marinig ito mula sa ibang tao.

"Hey, are you listening?" agaw atensyon sa'kin ni Achi.

Napalingon ako sa kanya nang may bakas na pagkabahala sa aking mukha.

"Ha? Uhh. Ano ulit?" tanong ko.

He arched an eyebrow making me nervous. Ano ba kasi sinabi niya? Para na kong natatae rito sa tabi niya dahil sa nga isipang bumabagabag sa akin at mas lalo  akong hindi makapag-isip na nang maayos ngayon.

"I said, what about your mom?" he asked.

Napakunot noo naman ako, "What about her?" taka kong tanong.

"Naalala mo na ba siya?"

Ilang sandali akong napaisip sa tanong niyang iyon. Aaminin kong hindi ako handa sa usaping ito sapagkat iniiwasan kong alalahanin ang bagay tungkol sa aking nakaraan dahil mas lalo lamang akong nalulugmok sa kalungkutan. Sa tuwing nakakakita ako ng masayang pamilya ay mas tumitindi lalo ang pangungulila ko sa sarili kong pamilya.

Hindi ko man silang lubos na naaalala ay batid ko pa rin silang makita. Gusto kong malaman kung ano ang kalagayan nila para naman matahimik na ako.

"Nope." I said emphasizing the "p" out of it.

"Pero base sa mga panaginip ko, isa siyang mabuting ina. She's always there whenever I needed a shoulder to cry on. She never runs out of words of wisdom to comfort me and by the way I see it, she showered me wth her love." napangiti na lang ako habang inilahad iyon.

Sa tuwing makikita ko siya sa aking panaginip ay lagi itong may bitbit na ngiti para sa akin. Para bang may dala itong kakaibang init na nagpapagaang sa aking puso.

Doon, dama ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Doon ko rin naisip na ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak ay walang makakapantay na anumang bagay. Dahil sa lungkot at saya ay lagi silang nanjan para tayo ay damayan.

Nalukot na lang bigla ang mukha ko nang maalala ang napaginipan kanina. Sa aking ala-ala, kami ay isang masayang pamilya. Mabuti ang aking ina at walang kapintasan ang maihahatol sa kaniya, pero bakit kami nagawang iwan ng aking ama. Bakit niya iyon nagawa sa amin?

Hindi ko napigilang makaramdam ng pait at kaunting galit sa kaniya. Paano niya kami nagawang saktan gayung namuhay kami sa masayang pagmamahalan?

How can he hurt the woman he loves?

How selfish he is for leaving his wife and his daughter alone.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon