08 | Unnoticed

3.5K 106 11
                                    


08
Unnoticed

Naupo ako sa couch at hinintay silang lumabas. Matagal bago iyon nangyari, balak ko pa nga sana silang balikan dahil baka hindi sila tumigil pero wala naman na akong nirinig sa kanila.

Bihis na sila ng lumitaw sa paningin ko. Masama ng titig sa akin ni Achi pero pinantayan ko lang iyon ng parehas na tingin.

Sumama ako sa paghatid kay higad. Akala ko nga papasok pa siya sa loob ng bahay pero buti na lang at tumanggi ito. Gusto mo pa talagang ituloy jan sa inyo ha. Nako, magtigil ka!

Pagkapasok namin sa sasakyan ay hindi na nakatiis ang lalaki.

"What was that for? Lagi mo na lang akong ginugulo kapag may babae ako sa bahay." galit niyang sabi.

"Achi, she's not good for you! She's creepy in case you didn't know."

"Creepy in what way?"

"I went to her room this afternoon and found your stack of photos inside her drawer and that's creepy, you know!"

"So you trespassed again. You know you should stop doing that."

"That's not the point, dummy! Hindi ka man lang ba naweirduhan sa bagay na iyon?"

"Meron siyang mga litrato ko sa kwarto niya, so what? Diba dapat pa nga akong matuwa dahil ganon siya kapatay na patay sakin."

"Ay iba rin. Siraulo, she acts like a stalker and you find it amusing? Now you're the creepy one, Joachim Angelo T. Mañavez!" mataray kong sabi.

"Ay kailangan talagang banggitin buong pangalan ko? And as if she can harm me. It's just a phase, she'll get over it." pag-irap niya sakin.

"Sinasabi ko sa'yo. Layuan mo na hangga't di ka pa nahuhulog sa bitag niya. Ikaw rin, baka magsisi ka."

"You're just overreacting." he stated.

Hindi kami dumiretso sa bahay bagkus lumabas kami ng village at nagdrive siya hanggang sa mapunta kami sa isang bahay. Walang sinabi ang laki nito sa bahay nila Achi. Kung mansyon na para sa akin yun, kinalimutan ko na iyon dahil ito ang tunay na mansyon!

"Anong meron dito?" tanong ko habang halos isalampak ko ang mukha ko sa salamin sa sobrang ganda nito.

Nasa driveway pa lang kami pero matatanaw mo na ang mansyon dito. Kahit madilim na, ang ilaw na nakapalibot dito ang nagbigay liwanag sa buong paligid.

Mga halaman ang nasa bawat gilid. Siguro aabutin ng twenty minutes na paglalakad bago makapunta sa mismong bahay. Ganoon kalaki ang lupa nila!

Gaya ng nakikita sa palabas may fountain itong malaki sa tapat ng mansyon. Dahil doon ay hindi ko napigilang mapaisip.

Smuggler kaya may-ari nito?

Luh! Baka drug Lord? Oh no.

May bisyong ganito si Achi?

Alin siya sa dalawa, drug user or drug pusher?!

"Mygulay! Hindi ko alam na ganyan kang tao." bigla kong lintanya.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon