❇33
ProbablyNasa harap ako ng pinto, mabigat ang pakiramdam na nakatayo at nasa ere ang kamay na handa nang kumatok dito. Sa bawat hikbi na naririnig ko sa loob ng kwarto ay ang siya ring pagkadurog ng aking puso.
Gayun pa man, naglakas loob pa rin akong kumatok. Pinihit ko ang doorknob at doon bumungad sa akin ang aking ina na nakasandal sa head board ng kama habang umiiyak.
Nagkalat ang tissue sa kumot at hindi maipinta ang kaniyang itsura. Gulo-gulo ang buhok at namumugto ang mga matang ngayon ay nakatingin na sa akin.
Sa mabibigat na hakbang, unti-unti akong lumapit sa kaniya. Patuloy siya sa pagpunas ng kaniyang mga luha.
Umupo ako sa kaniyang tabi at tahimik na naghintay ng tyiempo para makausap siya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Para bang nawala ang mga salitang matagal ko nang kinikimkim sa aking dibdib ngayong nakikita ko siyang ganito.
Lahat ng galit ko para sa aking ama ay naisantabi dahil nasasaktan ako sa sitwasyon namin. Hindi ko magawang matulungan ang aking ina dahil mismong siya ay hindi niya tinutulungan ang sarili niya.
Gusto ko silang sumbatan dahil nasira ngayon ang pamilyang pinapahalagahan ko.
Bakit nila hinayaan itong mangyari sa amin?
Hindi man lang ba nila ako naisip sa gitna ng problemang kinahaharap nila.
Hanggang ngayon wala pa rin akong kaalam alam sa nangyayari. Hindi na umuwi sa amin si daddy simula nung umalis siya bitbit ang kaniyang maleta.
BINABASA MO ANG
Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]
Teen FictionRuhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She decides for herself and she's been independent for two years. No parents. No friends. No pets. No permanent home. A nobody. Joachim loves p...