25 | Sweet home

3.3K 75 27
                                    


25
Sweet home

Isang boses ang umingay sa buong kapaligiran hudyat na tinatawag na ang mga sasakay sa papaalis na eroplano. Agad pinagsisipa ni Achi ang mga itlog na mahimbing pa ring natutulog.

"Aray! Ang sakit no'n ah!" reklamo ni Lucifer sabay hawak sa kaniyang binti.

Mukhang napalakas ng kaunti ang sipa ni Achi sa kaniya dahil siya lang ang nagreklamo sa apat. Nakita ko ang maarteng pag-irap ni Achi kay Lucifer kaya hindi ko maiwasang maisip na sinadya niyang lakasan ang sipa sa lalaki.

Abnormal amp.

Pinagtitinginan sila ng marami dahil nakakaagaw pansin ang kumpol nila pati na rin ang ingay na nililikha nila. Tuluyan na silang nagising dahil asaran at kalokohan ang kanilang pinaggagawa.

Hanggang sa makaupo kami sa eroplano ay panay pa rin ang kulitan kaya naman hindi na natitiis ng iba na sawayin sila. Napapailing na lang ako dahil ako ang nahihiya sa ginagawa nila.

Tahimik na lang akong bumaling sa bintana nang tuluyan na kaming lumipad.

Hindi ako sanay na may kakilala ako sa mga pasahero tuwing pupunta ako sa ibang lugar.

Sanay akong mag-isang pumapasok sa eroplano nang walang mga kasama. Kaya naman sa pagkakataong ito ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng ligaya sa isipang hindi na ako nag-iisa.

Walang sinabi ang kaunting panahon ko dito sa Cebu sa dalawang taon kong paglalayag sa ibang lugar. Dito nakilala ko ang mga taong ito nang hindi ko inaasahan na para bang itinadhana kaming pagtagpuin.

Kung kailan hindi ko binalak na pumunta dito tsaka pa ko nakatagpo ng mga taong magpapabago sa kapalaran ko.

Kung kailan nawalan na ko ng pag-asa na magkaroon ng kabuluhan itong pananatili ko dito sa lupa ay tsaka pa ako binigyan ng rason para pahalagahan ito.

Nakakatawang isipin na tsaka lang lumalabas ang mga sagot sa ating katanungan kapag hindi na natin ito hinahanap.

Life really works in a complicated way, huh.

❇❇❇

Pare-parehas kaming laglag panga na nakatayo ngayon sa harap ng isang gusali. Halos mabali pa ang leeg ko sa taas ng building na nakatayog sa syudad na ito.

Preskong naghihintay si Lucifer sa kasalungat na kalsada na huminto ang sasakyan para siya ay makatawid. Samantalang bumaba talaga kami ng van na pagmamay-ari nila para lang makita ang kabuoan ng building na siya ring parte ng ari-arian nila.

Nasabi sa akin ni Erza kung gaano sila kayaman pero ngayon lang ako nakakita sa personal ng mga establimyento nila. Nalula na nga ako sa laki ng bahay nila sa Cebu, ano pa kaya itong building nila na ang hula ko ay umaabot sa limampu na palapag.

Hindi ko maiwasang humanga sa kung anong mayroon sila. Hindi sa hinahangad ko ang kanilang yaman pero talagang naappreciate ko lang ang mga ganda nito.

"Got it, let's go!" sabi niya nang makarating na sa amin.

Huminto lang kami dito sa building nila para kuhain ang susi ng bahay na aming tutuluyan.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon