35 | Your friend

2.8K 86 14
                                    

35

Your friend

"You've changed." utas ni Jesca.

"And so are you." ganti ni Achi.

Napailing si Jesca na parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Napalitan ang seryoso niyang mukha na may ngiti sa labi. I don't know how to name the things that I can see in her eyes right now.

Proud? Adoration?

I wonder how does it feel to see someone from your past grew into someone who changed for the better. Who matured enough for you not to recognize the old spitting image of that person.

Nabasag ang namuong maliit na tensyon kanina at napalitan ng mas kumportableng vibes.

"Kamusta ka na? Graduating ka na ba?" tanong ni Jesca.

"Nope. One year internship pa. Ano bang kinuha mo na kurso?"

"Entrepreneurship. At first I was hesitant to take it but then I came to like it anyway. It's surprisingly fun." magiliw na kwento niya.

"Good for you, then. I still have a long way to run."

"So you'll really pursue Med? I thought that's just an impulsive decision of yours way back then. Guess, you already know your path, huh." she said.

Achi nodded, "I've made my decision when life hits me real good."

"How about your friends? Wala na akong balita sa kanila.  Although one time, nagkita kami ni Luci last year sa isang bar dito sa Manila. Hindi rin kami masyadong nagkausap no'n."

"Walang nabanggit sa akin si Luper na nagkita kayo and they're also here in Manila."

Nanlaki ang mata ni Jesca sa narinig, "Really? Can I see them? Namiss ko silang lahat. Lalo na si Bryles. Pinagti-tripan niyo pa rin ba siya hanggang ngayon?" excited na sabi ni Jesca.

Achi chuckled, "Of course you can. Though, hindi ko alam kung umalis sila ngayon. Hindi pa naman matahimik sa isang lugar ang mga iyon kapag naiiwan sa bahay."

Papalit palit lang ang tingin ko sa dalawa habang tahimik na nakikinig sa usapan nila. Nakakahiya naman sa kanila kung magpaparamdam ako sa gitna ng pag-uusap nila diba. At tsaka, feel na feel ko kaya ang pagiging third wheel.

Ang sarap sa feeling. Grabe.

Mahaba ang nagins usapan nila at minsan hindi na ako makarelate dahil hindi ko naman kilala ang ibang tao na kanilang nababanggit. Literal na outcast ang nangyari sa akin kaya lubos ang pasasalamat ko nang natapos na sila.

Naunang magpaalam si Jesca na aalis na siya dahil may aasikasuhin pa siya sa school. Nagkasundo naman silang dalawa na magkita na lang muli mamayang gabi para makabonding niya ang mga itlog.

Hindi ko nga alam kung paano ako masisingit sa usapan nila pero sa mga oras na 'to ay nawalan na ako ng pake. Ang mas importante ngayon ay mabantayan ko silang dalawa kapag sila ay magkasama.

Mahirap na at baka magkatotoo ang mga paratang ng mga itlog na yon kay Achi. Kawawa naman ako kung nagkataon. Uuwi akong luhaan.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon