11 | You're joking, right?

3.5K 87 15
                                    


11
You're joking, right?

Tuloy pa rin ang buhos ng luha ko. Hindi ko magawang tumayo dahil parang nawalan na ako ng lakas gumalaw pa. Grabe naman 'yon. Hindi man lang siya nagsalita, basta na lang akong iniwan.

Maiintindihan ko naman kung ayaw niya na talaga ako dito pero mas matatanggap ko pa siguro kung sa bibig niya mismo nanggaling ang mga salitang hinihintay ko. Kahit kailan talaga pinaglihi sa sama ng loob iyong itlog na 'yon. Walang puso! Wala man lang konsiderasyon sa ibang tao. I mean sa kaluluwang katulad ko.

Pinalis ko ang luha sa mata ko. Namamasa ang ilong ko at hindi ako makahinga ng maayos. Tumutulo na halos ang sipon ko at hindi na ko mapakali sa upuan.

Isang tissue ang lumitaw sa paningin ko. Nagulat ako dahil bumalik siya sa harap ko na masungit pa rin ang itsura. Kinuha ko ang tissueng inabot niya at suminga na doon. Umupo siya ulit sa pwesto niya kanina habang nagtatakang tingin lang ang iginawad ko sa kanya.

"Ang dami mo namang sinabi, tingin mo may pake ako?" masungit niyang sabi.

"H-ha? Eh sabi mo talk. Edi nagtalk nga ako." naguguluhan kong sabi.

"Wipe your snot first. You look so ugly."

"Alam mo, panis talaga yung gatas mo nung bata ka. Ugly ka jan?! Saan? Hindi mo ba nakikita kung gaano ako kaganda! Patingin ka nga sa optho, malala na 'yang mata mo." siraulong 'to. Ugly daw? Eh pang Miss Universe nga 'tong mukha ko.

"When I said talk, what I meant is I want you to explain where the hell you've been? You're gone the whole day." sermon niya na nagpatanga sakin.

"What? That's what you want me to tell you?!"

"Obviously, stupid." sabay irap sa akin.

"Wow! Paano ko naman malalaman na 'yon pala ang gusto mong sabihin ko. Sana tinanong mo na lang ako ng diretso para nasagot kita hindi yung kung anu-ano pa ang pinagsasabi ko."

"Aba malay ko sa'yo. Ikaw tong nagdadrama jan, alangan namang pigilan kita sa moment mo."

"Ewan ko sa'yo!" gigil kong sabi.

"You know, for a moment I thought you're just having your mood swings but then I remember you're dead so your hormones are inactive. So yeah, I concluded that as usual, you're just being a drama queen." Isa pa 'to e. Kung anu-ano din ang pinagsasabi. Naisip pa niya ang bagay na iyon? Iba rin ha.

"You know what's better? If you shut your mouth then the world will be at peace. And here I thought you're mad at me. Tsk." inis kong sabi.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo? Close tayo?"

"Hanap ka nga kausap!" tumayo na ko sa inis. Nang-aasar na lang siya e.

"I'm still waiting for your explanation tho. I think you owe me one." taas kilay niyang sabi.

"No, I don't."

"Considering you're ghosting my house, only means you're technically living here. So I think I have the right to know where you're going."

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon