12 | Similar

3.5K 84 12
                                    


12
Similar

Why am I hurting, anyways?

This is weird. Am I starting to like him? Am I falling for Achi?

For real? Pftt. Nah, that's not gonna happen. Not even on my next lifetime. I can bet on that one. Like hello? Hindi ako mahuhulog sa isang gaya ni Achi na playboy, masungit, topakin, matangkad, gwapo, mabango't masara-

Never mind.

You don't want to get there, Ruhee.

Nabawi ang atensyon ko ng unti-unting humiwalay si higad kay Achi habang ang lalaki ay napakamot na lamang sa kanyang ulo sa 'di malamang gagawin.

Umangat ang kaniyang ulo at mabilis na hinanap ang mga mata ng kausap bago binitiwan ang mabibigat na salita.

"I love you." matapang at nagmamakaawang sambit niya.

Napahawak naman ako bigla sa dibdib ko. Parang mas nagulat pa ako kaysa sa taong sinabihan nito. Love agad? Hindi ba pwedeng like lang?

"I know that." simple at walang yabang na sagot ni Achi.

Ay iba rin. Hindi iyon ang inaasahan kong sagot mula sa kaniya. Imbes na mabigla sa inilathala ng babae ay talagang inamin pa niya na alam niya ang nararamdaman nito para sa kaniya.

"Then, why don't you give us a chance?" umiiyak na maktol ni higad.

Achi sighed. "Viy, you know I don't do girlfriends, right? Hindi ako yung taong pumapasok sa seryosong relasyon." mahinanong paliwanag niya.

Teka nga! Ano bang nangyayari? Paanong nasa ganitong eksena sila ngayon? Ito ba ang bunga ng pag-uusap nila kahapon? Bakit ba kasi naglayas pa ako kahapon, ang dami ko tuloy namiss.

"But why are you pushing me away? Hindi naman tayo ganito noon ah."

"Like what I've told you yesterday, pansamantala lang naman para mawala na yung usapan na may relasyon tayo."

"Hindi ko kaya, Joachim! Can you please give me a chance? I want to be with you and I'll do anything just to prove that we can make this happen." pagmamakaawang sambit ni higad.

"Don't do this, Viy. We're good friends. Hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na sinasabi mo." medyo nahihirapang sabi ni Achi dahilan kung bakit muling yumapos sa kanya si higad na walang tigil sa pag-iyak.

"Please. Please. Please Joachim. Just give me a chance. Wala kang gagawin. Hayaan mo lang akong ipakita kung gaano kita kamahal." desperadang sabi ni higad.

Hindi ko alam kung maawa ba ako sa kaniya o ano. Hindi ko maatim na kaya niyang gawin sa sarili niya iyan. Wala na ba siyang natitirang pagpapahalaga sa sarili at handa niyang ibigay ang kabuoan niya sa lalaking hindi naman siya mahal.

At anong klaseng pagmamahal nga ba ang tinutukoy niya?

For me, it's the kind of love that is destructive.

Paano mo nga ba masasabi kung pagmamahal na ang nararamdaman mo sa isang tao? Para kasi sa'kin isang pagtingin lang ang maaari niyang nararamdaman. Hindi pa iyon matatawag na love sapagkat hindi mo iyon mararamdaman hanggat hindi mo nakikilala ng lubusan ang isang tao. Tsaka lamang nadedevelop ang "like" sa "love" kung alam mo ang lahat sa taong iyon, miski sa kaibuturan ng pagkatao niya ay alam mo.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon