❇18
AnswerNapahawak ako bigla sa aking dibdib. Pinakiramdaman ko ito at grabe ang lakas ng tibok ng puso ko. Dama ko sa aking mga palad ang bilis ng pagkabog nito na para bang may humahabol sa aking mga halimaw.
Hindi maalis sa isip ko ang paraan ng kaniyang paninitig kanina. Para bang may kung ano sa kaniyang mga mata na hinihila ako kung saan.
Naasiwa bigla ako sa aking ayos, para akong tuod dahil hindi na ako kumikibo sa aking kinalalagyan. Inangat ko muli ang mga mata ko sa kaniya pero hindi na niya muling binalik ang tingin sa akin.
What was that all about? And why is he looking at me in that way?
Napansin naman ni Erza ang sitwasyon ko kaya naman nilingon na niya ako.
"Ayos ka lang, baby ghorl?" tanong niya.
"A-ayos lang po ako." sabi ko sabay tango para mas kapani-paniwala.
"E, bakit nakahawak sa dibdib mo? Masakit ba?"
"Wala po 'to."
"Sabagay, hindi naman kalakihan iyan para sumakit." sabi niya sabay tingin sa mga bundok ko.
Napatingin din tuloy ako doon. Hindi nga kalakihan ito pero kailangan ba talaga ipamukha sa'kin iyon? I'm offended ha. Dahil do'n binaba ko na ang kamay ko at humawak na lang sa kawayan.
"Uhm, Erza..ano ibig sabihin kapag bumibilis ang tibok ng puso mo dahil sa isang tao?" nahihiya man ay nagawa ko pa rin itong itanong.
Napatingin siya sa kisame na tila ba nag-iisip ng magandang isasagot kaya napasimangot na lang ako ng sabihin niyang, "'Wag kang titigil sa pagtakbo at baka maabutan ka ng magnanakaw." proud pa niyang sabi.
Halos mapaface palm na lang ako sa narinig ko. Nagsisi agad ako kung bakit kinausap ko pa ang isang 'to.
"Seryoso nga kasi!" sabi ko na lang.
Napaayos naman siya. "Depende, e. Sinong tao ba?"
"Uhh. Let's say lalaki siya, ganern." alanganin na sabi ko dahil baka mahalata niya pa kung sino ang tinutukoy ko.
"Aba, kung babae ka at isang lalaki ang dahilan kung bakit bumilis yang pagtibok ng puso mo ay nako, simulan mo na manalangin dahil problema ang dala niyan sa buhay." walang preno niyang sabi.
Kinabahan naman ako bigla, "Bakit naman?"
"Papaasahin ka lang niyan, tapos 'pag naging kayo, ay nako, paniguradong magbibreak din kayo." dagdag pa niyan.
Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya. Papaanong napunta siya sa bagay na iyon? In fairness, ang layo agad ng napuntahan niya sa usapan namin. Magbibreak? Agad nanlaki ang mga mata ko sa aking napagtanto.
"Hindi ko naman gustong makarelasyon 'yon!" napalakas kong sabi.
"Sus, 'wag ako bata. Alam ko na 'yang mga ganyang style. Teka nga, sino ba yang lalaking nagugustuhan mo?"
BINABASA MO ANG
Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]
Teen FictionRuhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She decides for herself and she's been independent for two years. No parents. No friends. No pets. No permanent home. A nobody. Joachim loves p...