31 | Heard it wrong

3.1K 83 37
                                    


31
Heard it wrong

Kinabukasan, maaga kong binulabog si Achi. Nakauwi naman ako kagabi kaso naabutan ko siyang tulog na, kaya wala na akong nagawa kundi ang damayan siya.

"No way in hell I'm going to do that." apila agad ni Achi.

"We only have four days left and I need you to do this." sabi ko.

"It's a no for me." pag-iinarte niya pa.

Napairap naman ako. Kakasabi ko lang kasi sa kaniya ang lahat nang naisip kong plano kaso mukhang pati siya ay hindi sang-ayon dito. Ayos naman, ah.

Meet Up Plan

Bullet: Joachim Angelo T. Mañavez

Target: Jesaica Cardinal

1. Go to school and confront Jesca.

(But this will be so weird since they don't know each other. And there's a 100% probability that Jesca would freak out if Achi approaches her out of nowhere.)

2. Pretend that I'm Achi's childhood friend that he's been looking for a long time.

(But I'm not sure if she'll bite the bait. She will think, how in the world did Achi knew her when I'm the one who's been connected with him.)

3. Flirt with her.

(But I don't think she'll flirt back when she's sober.)

4. Tell her the truth, that Achi can see me.

(But I doubt that she'll believe it, especially coming from a stranger. That will scare her.)

5. Kidnap her and inject a truth serum.

(Now, that's a good one. Desperate move for a desperate person.)

Okay, I admit. Walang maganda sa mga naisip ko pero naubusan na kasi ako ng mga ideya kung paano sila magtatagpo. Hindi naman din siya nag-aambag sa plano kaya napipilitan tuloy akong mag-isip kahit may halo ng kalokohan.

"E, wala na akong maisip. May suggestion ka ba?" tanong ko.

"Cross out the school part. I'm not going in there and act like a stalker just to get a chance to talk with her." sabi niya sabay ismid sa akin.

"Fair point. So ano ngang plano mo?"

"Can't you bring her to a bar so it will look like a coincidence or something shit like that. I think it's better if she's not sober so that I can talk to her casually." demanding niyang sabi.

Napaisip ako. Paano ko naman dadalhin si Jesca sa bar? Parang wala pa naman akong narinig kagabi na may lakad sila ngayong araw.

Hmm..kailangan ko ulit siyang puntahan. Sa school na lang ako didiretso tutal may klase naman siya ng alas onse hanggang alas tres ng hapon.

Sa ngayon, dito muna ako dahil hindi ko na alam ang mga pinagkakaabalahan ng mga itlog.

Lumabas na kami ng kwarto at may ingay na sa loob ng kusina.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon