16 | Reason

3.2K 89 14
                                    


16
Reason

Ang sakit namang isipin na hindi ako aprobado sa paningin ng ibang tao. Sanay na akong walang kasama at mag-isa. Nakaya ko iyon sa loob ng dalawang taon. Kaya naman, ang kaayawan ako ng isang tao ay nakakapanibago sa akin. Ganito pala ang pakiramdam noon, nakakalungkot at nakakawalang gana.

"Stage four." biglang bigkas ni Erza.

Naguguluhan akong napatingin sa kaniya. "Ano pong stage four?" tanong ko.

"Stage four na nang malaman ni Sefin na may sakit siya." patuloy nito.

Napatikom ang aking bibig sa narinig. Sa pagkakaalala ko sa Leukemia siya namatay. Hindi naman nasabi sa akin ni Achi na ganoon na pala kalala ang kaniyang kalagayan ng mga oras na iyon.

Stage four? Wala akong alam sa bagay na iyan, ang tanging nalalaman ko lang ay kapag stage four ay malala na ang lagay.

"Alam niya rin na kahit sumailalim pa siya sa chemo therapy ay hindi na rin niya kakayanin. Wala sa isipan niya ang magpagamot lalo na kung binigyan na siya ng doktor ng taning sa buhay." nakatitig lang ako kay Erza na malungkot na nagkukwento.

"Mahina na ang kaniyang katawan at natanggap niya agad ang kalagayan niya. Hindi na siya nagtaka na nagkaroon siya ng sakit dahil sa history ng kanilang pamilya. Halos puro cancer ang ikinamatay ng iba niyang kamag-anak pati na ang kaniyang ama." patuloy niya pa.

"Makakatulong pa po ang chemo diba? Hindi man ganon katagal ang idadagdag sa buhay niya pero mabibigyan pa siya ng kaunting panahon para makasama ang pamilya niya." tanong ko.

Malungkot na mga mata ang sinalubong niya sa akin. "Wala na siyang dahilan para lumaban." mahinang sabi niya.

Nagkasalubong ng kilay ko sa narinig. "Po? Hindi ba sapat na dahilan si Achi para lumaban siya?" tanong ko.

"Baby ghorl, paano ka lalaban kung ang mga ipinaglalaban mo ay hindi ka naman na kailangan?"

I don't get it. Why in the world would she think in that way? That's absurd! Hindi niya ba alam kung paano nagdaramdam ang kaniyang anak sa kaniyang ginawa? Nangungulila pa rin ito sa ina niyang labis na minamahal.

At anong hindi kailangan? Bata pa lang si Achi nang siya ay mamatay. Kailangan ni Achi ng tatayong ina para gumabay sa kaniyang paglaki. Kita mo nga ang nangyari, kung makakilos ngayon ang isang iyon ay halatang kula sa aruga. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap.

"Hindi ko po maintindihan." tanging nasabi ko na lang.

Napabuntong hininga muna siya bago nagpatuloy, "Ilang buwan bago malaman ni Sefin ang kaniyang kalagayan ay nalaman niya na muling nagtatagpo ang kaniyang asawa at ang dati nitong kasintahan." mapait nitong sabi.

Ang rebelasyong iyon ang nagpagulat sa akin ng bongga. What the fuck? That old man is a fucking cheater?! I can't believe this! Ngayon may dahilan na ako para ako naman ang magalit sa taong iyon.

Ayoko sa lahat ay yung taong sinungaling, pero mas ayoko naman sa taong kayang saktan ang kanilang mahal sa buhay. Paano niya nagawang mangaliwa? May pamilya na siya kaya wala siyang karapatang gawin iyon!

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon