❇
37
Uneasy
Sumapit ang tanghali at tinawag na sila ni Manang Ipin para kumain. Agad nilang binitawan ang controller at nagtungo sa dining table kung saan nakahanda na ang maraming pagkain.
Kanina pa sila naglalaro at kanina pa rin natatalo sila Bryles at Haniel ni Jesca. Hindi ko alam kung bakit silang dalawa lang ang kayang talunin ni Jesca samantalang sila Lucifer naman ay laging nanalo.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka sixteen gigabyte lang ang laman ng memory nila, 'di gaya nila Lucifer na kayang umabot hanggang two hundred fifty six gigabyte.
Hindi na ako sumunod sa kanila doon at nanatili na lang sa sala. Nakipagkwentuhan kay Erza hanggang sa matapos sila sa pagkain. Wala naman kasi akong gagawin doon kaya hindi na rin ako nag-effort na makichismis sa usapan nila.
Sa gitna nang usapan namin hindi ko rin maiwasan na hindi macurious sa pinag-uusapan nila. Umaabot kasi sa sala ang malakas nilang tawanan.
Alam kong puro kalokohan lang naman din ang mga iyon kaya binalewala ko na lang din. Tsaka ibang iba iyon sa pinag-uusapan namin ni Erza na kailangan pang bumalik halos sa sinaunang panahon dahil kwento ng buhay niya ang laman noon.
Sa katunayan nga ay naaliw ako sa kwento niya dahil hindi ko naman naabutan ang makalumang pamumuhay noon ng mga tao sa bansa natin.
Nababasa ko lang sa libro ang mga nangyari noon. Ang isang gusto ko talaga sa kasaysayan ay ang pagsuot nila ng Baro't Saya. Alam kong hindi na pwede iyon ngayon lalo na kung gagamitin natin sa pang-araw-araw. Iba na kasi ang takbo ng klima sa panahon ngayon kaya hindi na siya pwede.
Dati nakakaya nilang magsuot ng ganoon kasi maganda pa ang simoy ng hangin noon, 'di tulad ngayon na puro usok at init na lang ang sumasalubong sa atin na hangin.
Umuwi ka lang galing sa mahabang araw mo ay grabe na ang dumi na makukuha mo sa loob ng ilong mo.
Marami pa ang kwento ni Erza sa akin na labis kong ikinatuwa dahil parang dinala niya ako sa ibang panahon. Natapos lang kami nang biglang nagsulputan na ang mga itlog galing sa hapag kainan.
Hindi ko alam kung anong balak nilang gawin buong araw dito sa resthouse. Masaya sana kung maglilibot sila sa ibang pasyalan pero quality time yata ang pinunta nila rito.
Ako lang yata ang hayok sa gala kapag nagpupunta ng ibang lugar. Palibhasa mga burgis kaya sanay manahimik sa isang lugar.
Ako kasi kahit napuntahan ko na ang isang lugar ay gusto ko pa rin itong binabalikan.
Unang lumabas si Jesca na siyang katabi ni Achi. Halos mapunit ang pagmumukha nila sa kakangiti sa isa't isa. Hindi ko naman naiwasan ang mapairap sa natunghayan. Sana madapa si Achi. Nabubwisit kasi ako sa hindi maburang ngiti niya.
Saktong paglingon niya sa kinauupuan ko ay ang pagtama ng aming mga mata.
He stopped laughing when he noticed my glaring eyes piercing through his soul.
Saya ka?
Sabay taas ng kilay ko para mabura ang tingin na ibinibigay ko sa kaniya. Baka kasi isipin niyang nagseselos ako. Nakakahiya naman sa kaniya no.
BINABASA MO ANG
Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]
Teen FictionRuhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She decides for herself and she's been independent for two years. No parents. No friends. No pets. No permanent home. A nobody. Joachim loves p...