13 | Feelings

3.4K 85 21
                                    


13
Feelings

Napamaang na lamang ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa aking mga balikat. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari.

Papaanong nangyari iyon? Bukod sa nakikita niya ako ay nagawa pa niya akong hawakan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nakagawa noon sa akin. Napahagikgik naman siya sa naging reaksyon ko.

"P-paano mo nagawa iyon? Ikaw palang ang taong nakakagawa sa akin noon." mangha kong sabi.

"Tao? Sinong tao? Ano ka ba baby ghorl, similar lang tayo. Multo din ako." sabi niya nang biglang may tumagos sa kaniyang tao. Nagulat naman ako dahil hindi ako sanay na bukod sa akin may katulad din akong tumatagos sa mga tao .

"B-baby ghorl? Similar?" nagugulumihanan kong tanong.

"Oo, baby ghorl. Uso kaya iyon ngayon. Narinig ko iyon sa pinapanood ni Lucifer nung nakaraang araw. Yung lalaking mahilig magtanong ng "Are you lost baby ghorl?"" paliwanag niya na mas lalo kong hindi naintindihan.

"E, yung similar?" tanong ko.

"'Di mo rin alam iyon? Laging bukambibig iyon ng mga kabataan ngayon kapag sumasang-ayon sila sa isang bagay."

"Ha? Sa pagkakaalam ko "same" iyon." taka kong sabi.

"Oo nga! Iniba ko lang para mas "in" ako sa panahong ito." kibit balikat niyang sabi.

May saltik ba 'tong babaeng 'to? Akala ko si Achi na ang may award na magulong kausap pero may mas magulo pa pala sa kaniya. Hindi ko masundan ang takbo ng isip nito at kung anu-ano na lang ang sinasabi. Pero teka...

"Lucifer? Kilala mo siya? "

"Oo naman, baby ghorl. Nananalantay sa kaniyang katawan ang dugo ng aming pamliya."

"Uhh, apo mo siya?" tanong ko.

"Hindi. Doblehin mo pa. Apo siya ng apo ko."

"Ha? Eh, bakit bata pa rin ang itsura mo?" kung may apo siya, dapat ay matanda na ang kanyang anyo ngayon. Kung anong edad natin tayo namatay ay ganoon ang kaluluwang mananatili dito sa lupa. Hindi maaaring bumalik sa pagkabata na gaya ng kaniyang itsura.

"Ay nako, baby ghorl. Mahabang storya, tsaka ko na ikukwento sa'yo."

Habang tumatagal ang titig ko sa kanya ay mas lalong nagiging pamilyar ang kaniyang mukha sa akin. Hanggang sa madako ang aking isipan sa bahay nila Lucifer. Siya yung nasa painting doon sa kwartong pinasukan ko!

"E-esperanza?"

"Kilala mo ako? Pasensya na ha, pero hindi ko matandaang nagkita na tayo, baby ghorl, kaya hindi kita kilala." maingat nitong sinabi.

"Ah. Hindi rin kita kilala..ano kasi, nung nagpunta ako sa bahay ni Lucifer ay napadpad ako sa kwarto mo. Hindi ko naman sinasadyang basahin yung mga liham mo pero nasanggi ko kasi siya nung sinuri ko ang saya sa aparador." paliwanag ko.

"pero..hindi ko naman binuksan yung mga sulat mo, promise! Nabasa ko lang kung kanino nakaadress yung sobre. Yun lang." dagdag ko pa.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon