39 | Into you

3K 88 37
                                    


39
Into you

Manhid na siguro ako dahil hanggang sa maghiwalay sila ay nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

Parehas silang nagkatitigan, tila nag-uusap sa pamamagitan lang ng kanilang mga mata. Samantalang, gusto ko na lang umalis at iwan sila dito.

Ewan ko ba. Sadista yata ako dahil kahit na may pagkakataon naman akong umalis ay hindi ko ginawa.

Nanigas na rin siguro ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko yata kakayanin na humakbang man lang. Natauhan lang siguro ako nang muling nagsalita ang aking katabi.

"Your name is Ruhee, right? Correct me if I'm wrong." tanong niya habang nakatingin sa akin.

Kung nasa normal na kondisyon ako, magugulat ako dahil totoo ngang nakikita niya ako. Siguro nanlaki na ang mga mata ko dahil hindi ko aasahan ang mga pangyayari pero dahil nadurog ang puso ko at nawalan na ko ng pakielam sa kung anumang bagay ay bahagya na lang akong kumibo.

Naituon ko ang atensyon ko sa kaniya. Wala sa katinuan na tumitig na lang din pabalik sa kaniya.

"I've been eavesdropping since the first time I noticed that Joachim's actually talking to you. Hindi ko lang masabi sa kaniya na I can see you too, well not only you, but I can't really tell him that." paliwanag niya.

Sasagot ba ako? Kasi hindi ko na mahanap ang mga salita sa utak ko. Para bang sinabugan ako ng kung ano sa loob and I can't even function well.

"Lagi kayong magkasama. Akala ko nga nung una sumusunod ka lang sa kaniya dahil may atraso sa'yo iyon. O kaya naman ikaw yung kaluluwa na lumabas noong nag spirit of the glass kami noong nga bata pa kami."

Kung nasa katinuan ako, napataas na ang kilay ko sa mga pinagsasabi niya. Walang  tinatagong katahimikan talaga ang isang ito. Walang pinagbago kapag kausap niya ang mga itlog.

Hindi na lang ako kumibo at binaling muli ang tingin sa baba kung saan wala na sila Achi doon.

"And it seems that my dog can also see you. That's kinda weird though 'cos he's never been able to see the others and only you can appear in his eyes. So I was wondering all along what's so different about you." patuloy pa niyang sabi.

Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan nang sumuko dahil mukhang hindi titigil ang isang ito.

Hinarap ko siya at bumungad sa akin ang nakangisi niyang pagmumukha. Napairap tuloy ako nang hindi sinasadya.

"Ano bang kailangan mo sa akin? And what do you mean by the others? May nakikita ka pa bukod sa akin?" sunod sunod kong tanong.

Mas lalong lumapad ang ngisi niya, "Now you can talk. So what's with you and Achi? Do you like each other?" tanong niya.

Chismosong froggy!

"What do you think? As you can see, your friend is still head over heels for that girl." bitter kong sabi.

He chuckled.

Tsk. So annoying.

"I'm Lucifer, by the way. And you are? Ruhee, right?" nakangiti niyang sabi.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon