30 | I'm sorry

3K 81 14
                                    


30
I'm sorry

Tinabihan ko si Achi na mag-isa sa kaliwang parte ng sofa. Tinapunan naman niya ako ng tingin at nginuso ang cellphone na hawak niya.

What happened to your hunt? Nakita mo na ba ang pamilya mo?

Umiling naman ako, "No. Yung best friend ko lang ang nakita ko, hindi naman ako nakakuha ng impormasyon sa kaniya dahil puro picture lang namin ang nakita ko. Sinearch ko rin ang contacts niya sa phone pero walang Ruhee na nakasave roon. Pinakielaman ko na nga pati soc med niya kaso wala. Nakatag nga ako sa ibang pictures kaso nung kinlick ko wala naman nang lumabas na profile." paliwanag ko.

What's your plan then?

Napaisip naman ako,"Hindi ko pa nga alam. Kaya baka bumalik ulit ako sa bahay nila mamaya." sabi ko na lang. Kaso nandoon kaya siya? Baka naman hindi na naman umuwi iyon at magwalwal tulad kagabi.

"Pero mukhang wala naman akong mapapala kung hindi ko rin siya matatanong nang diretsahan..hmm." dagdag ko pa.

Napatitig din siya sa cellphone niya na tila nag-iisip din ng solusyon sa problema ko.

'Di nagtagal parang biglang nagkailaw ang bumbilya sa utak ko. Napatitig ako sa kaniya nang may ngiting nakakaloko. Nasulyapan niya ang itsura ko at agad siyang napakunot noo sa naabutan.

Malapad pa rin ang ngiti ko nang sunod-sunod siyang umiling, nakuha agad ang nais kong iparating. Bakas na ang hindi pagsang-ayon sa binabalak ko.

Nagpuppy eyes naman agad ako sa kaniya habang lumapit lalo para magmakaawa sa kaniya.

"Sige na, please. Sanay ka namang makipag-usap sa babae, diba? Pasimplehan mo lang ng topic tungkol sa akin para mahanap ko na ang mga magulang ko. Pleaseeee." pangungulit ko.

"Kunwari, long lost love mo ko tapos hinahanap mo ako kasi matagal na tayong hindi nagkikita. Sige na." pamimilit ko pa.

Sunod-sunod pa rin ang iling niya, "Long lost love..tsk. Corny." bulong pa niya.

"E, ano bang gusto mo? Long lost brother? Ang dirty ha, wala akong balak gawin kang kapatid."

Napailing siya, tumayo na siya sa pagkakaupo at diretsong umakyat patungo sa kaniyang kwarto. Wala namang pakielam ang mga itlog kaya nakasunod lang ako sa kaniya.

"Sige na kasi. Kung kaya ko lang siyang kausapin, edi sana hindi na kita kinukulit ngayon. Kahit isang beses lang, ayos na yon." habol ko sa kaniya.

"No. I don't know that girl, so why would I talk to her?" masungit niyang sabi.

Napairap naman ako, "Sanay ka naman makipag-usap sa mga hindi mo kilala. 'Wag ka nang maarte. Sige ka, hindi na ako sasama sa inyo pauwi ng Cebu." banta ko.

Napaismid naman siya, "As if. You will miss this handsome face of mine." pagyayabang niya.

Umirap na lang muli ako, "Seryoso ako. Hindi ako sasama sa inyo hangga't hindi ko nahahanap ang pamilya ko."

Pinagmasdan niya akong mabuti tila tinitimbang ang mga salitang binitiwan ko.

Ilang segundong pag-iisip pa ay napabuntong hininga na lang sya, "Fine, just tell me what to do and I'll try to oblige." maarteng pagsuko niya na ikinangiti ko.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon