❇23
MemoryIsang hakbang pa at wala na akong kawala sa kaniya. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata dahil naasiwa na ako sa ngiting ibinibigay niya.
My gosh, this is so embarrassing. Why did I blurt it out so suddenly? Is that really necessary, Ruhee? Tignan mo ngayon ang nangyari. Wala sa plano ang pag-amin sa kaniya ngayong araw!
Paano ko ngayon ito tatakasan?
"Can't you hear me? I said, I want you to say it again." sabi niya.
Kinalma ko ang aking sarili pero nanatili pa rin ang kaba sa aking loob, "Hear you?! E, ikaw nga 'tong hindi namamansin buong araw jan!" pasungit ko pang sabi kahit na halos nanginginig na ang tuhod ko sa lapit namin.
"Don't change the topic. I've clearly heard what you said just a while ago."
Napairap naman ako, "Narinig mo naman pala. Bakit mo pa pinapaulit?"
Parang tanga!
"I just want to make sure if I heard it right."
Shuta! Narinig niya nga talaga. Lord, pwede mo na ko kunin ngayon. Hiyang hiya na ako dito sa harap ng itlog na 'to. Please lang, oh.
"Correct me if I am wrong, well, not that I'm wrong anyway, but sabi mo "mahal kita", and you are referring to me, right?" Nakangisi na niyang sabi.
Mas lalo akong kinilabutan sa pagmumukha niya. Wala talaga siyang balak na tigilan ako.
"H-hindi ah. Sabi ko maharlika! Y-yung ano, palabas yun dati diba? Di mo tanda?" nauutal kong palusot.
Wow, that's a lame excuse I can think of, huh. Just wow.
And that's majika, not maharlika! So bobo naman this girl!
"I heard it loud and clear. So mahal mo ko...Anong gagawin mo ngayon?" Nanghahamon niyang sabi.
Ay iba rin. He already claimed that I love him, leaving no questions behind about that matter. Bilib din talaga ako sa taas ng confidence niya ngayon. 'Di man lang ba siya nahihiya sa kabulgaran niya?
Tuluyan na nawala ang kaba na aking nararamdam at pinantayan ko kung ano man ang ipinapakita niya ngayon.
"So? Ano ngayon kung mahal nga kita? No big deal. It's not like I want you for myself or anything, I just love you. That's all." mataray kong sabi.
Mas lalong napangisi siya ngayon. "Thanks for admitting it, I appreciate it a lot." pilyong sabi niya.
Oh, shoot! 'Di ako makapaniwalang nahulog ako sa bitag niya.
Handa na sana akong bumanat pa nang sumulpot na sa gilid namin si higad na may dalang cocktail sa kamay. Oh great! Nice timing higad, bakit ngayon mo lang naisipang umepal kung kailan ako may sasabihin sa itlog na 'to.
Kinuha ni Achi ang para sa kaniya at paakbay na umalis siya kasama ni higad. Just what the heck?
Ganon na lang 'yon? Pagkatapos niyang malaman ang bagay na iyon ay lalayasan niya ako? He's so unbelievable! Ugh! Remind me again why I fell for that kind of guy.
BINABASA MO ANG
Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]
Teen FictionRuhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She decides for herself and she's been independent for two years. No parents. No friends. No pets. No permanent home. A nobody. Joachim loves p...