❇28
Real dateIlang minutong pagkaburyo at hindi na ako nakatiis na kulitin si Achi. Mukhang walang balak maglibot ang mga itlog dito sa Antipolo at sa paningin ko ay sa paglalaro lang nila uubusin ang kanilang oras.
"Achi, alis tayo. May nakita ako sa internet kanina na may malapit na museum dito. Sikat yun kasi madaming nagpupunta roon." pangungulit ko kay Achi na nakaindian sit sa tabi ni Matteo.
Nakakunot noo lang siyang nakatingin sa cellphone niya at patuloy lang akong dinededma kahit na kanina ko pa siya ginugulo.
"Uy, tara na kasi! Sayang naman ang punta natin dito." sabi ko pa.
Nang wala pa rin akong nakuhang sagot sa kaniya ay nanahimik na lang ako sa kaniyang tabi at doon nagmukmok.
Grabe siya, dinidedma niya lang ang beauty ko samantalang kapag siya ang may kailangan sa akin ay agad ko siyang pinapansin.
Nakakasawa na ang ganitong relasyon. Kailangan na naming maghiwalay para na rin sa ikabubuti namin. Makakahanap pa naman siya ng mas better sa akin, ganon din naman ako.
Hindi na healthy ito.
We need to break up.
Chos. Walang kami kaya ano ang ibbreak? Napailing na lang ako, masyado na yata akong nalulon sa droga at ganito na lang ako kung mag-isip.
Naagaw ang atensyon ko nang ibaba ni Achi ang kaniyang cellphone at lumingon ito kay Matteo.
"Libot lang ako." sabi niya.
"Sa'n punta mo?" tanong ni Matteo.
"Pinto Art. May titignan lang ako." simpleng sabi ni Achi na nagpabuhay sa aking kaluluwa.
Tinanguan lang siya ni Matteo kaya naman tumayo na si Achi at dumiretso na palabas ng bridge.
Actually, hindi pwedeng dumaan palabas dito sa bridge pero dahil kami lang naman ang nandito at malakas ang kapit namin ay tuloy tuloy lang kaming naglakad doon.
Doon nakita namin si Kuya Waldo na nakikipagchikahan doon sa binatang nakausap namin kanina.
Agad naman itong nagpaalam sa kausap nang makita si Achi na papalapit sa kaniya.
"Aalis na ba tayo?" tanong ni kuya Waldo.
Umiling naman si Achi, "Hindi pa, may pupuntahan lang ako kaya kukunin ko sana ang susi."
"Ipagmaneho na kita, lods. Wala naman akong ginagawa, e."
"Di na po, kuya Waldo. Pahinga na lang kayo jan at bantayan niyo na lang yung mga 'yon." sabi ni Achi.
"Sige na, lods. Ako na magdrive."
"Kaya ko na po." si Achi sabay lahad ng kamay para sa susi.
Napipilitan man ay binigay naman ni kuya Waldo ang susi kay Achi. Naglakad na kami palayo at nakita kong bumalik na lang siya sa pakikipag-usap doon sa binata.
BINABASA MO ANG
Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]
Teen FictionRuhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She decides for herself and she's been independent for two years. No parents. No friends. No pets. No permanent home. A nobody. Joachim loves p...