❇10
UnderstandHalos paika-ika na siyang maglakad patungo sa akin. Handa na sana akong sermonan siya pero hindi siya dumiretso sa akin. Iniwasan niya ako at nagtungo siya sa gilid ko kung saan inakbayan niya ang katabi kong si Lucifer.
Parang napahiya ako doon ah!
Akala ko pa naman kaya siya tumayo ay dahil nakita niya ako at sa akin siya pupunta, yun pala...
Mygulay! Assumera din pala ko. Nakakaloka ha. Akala ko talaga sabik siya na makita ako.
'Di man lang ba niya ako namiss?
Halos kalahating araw din akong wala sa tabi niya ah.
Charot.
Ang drama ko doon in fairness. Kala mo naman magjowa kung umasta. Pero nag-assume talaga ko sa bagay na iyon ha. Paano ba naman kasi sa akin siya nakatingin habang naglalakad.
Sino nga ba naman ako para lapitan niya sa publikong lugar? Isang hamak na multo lamang ako. Yuck, self pity ka teh?
Kahit na nakaramdam ako ng kung ano, nangibabaw pa rin ang inis na kinikimkim ko. Ano ba kasing nangyayari dito? At bakit parang wala siyang pakielam? Medyo may tama na nga siya sa alak pero parang may malay pa naman ito para makisawsaw sa gulo...na dapat niyang ginagawa dahil siya ang involved doon.
Baka paniwalaan ng mga tao ang kasinungalingan ng higad na iyon. Iba rin kasi talaga ang kapal ng balat nun. Self proclaimed girlfriend ang peg? Saan siya kumukuha ng lakas para gawin iyon? Sa boobs niya? Porket malaman lang yung kanya. Hmp.
"What's happening here, bruv?" pabulong na tanong ni Lucifer.
"Ang tagal mo naman, bakit kasi ngayon ka lang?"
"Dapat nga hindi na ko pupunta, kinulit mo lang ako. But is it true tho? Kayo na ni Viy?" tignan mo nga naman, chismoso rin ang isang ito.
"Ha?" tanong ni Achi.
"Kayo na ba kako ni Viy?"
"How you like that!"
Nasamid ako kahit wala naman akong iniinom. Hindi lang pala ako ang nilamon ng bagong release na kanta ng Blackpink. Pinigilan kong matawa. Hindi ko akalaing lalabas sa bibig niya iyon. Well, buong araw ko lang naman pinatugtog iyon ng paulit ulit. Nagalit pa nga siya sa akin nung araw na iyon dahil naririndi na raw siya.
"What? You okay, bruv? Lasing ka na ba?" naguguluhang tanong ni Lucifer.
"Hindi ako lasing. I'm just drunk."
Ano raw? May pinagkaiba ba 'yon? Iba na nga tama ng isang 'to.
May mga umawat na sa away kaya naman nabuwag na ang kumpol kanina. Bumalik kami sa sofa kung saan siya nakaupo ng madatnan namin. Nakaupo pa rin ang ibang itlog at halos iba na rin ang itsura ng mga ito.Seriously? Ibig sabihin lang nito ay kanina pa sila umiinom. Tsk. Ganoon ba sila kauhaw para magpakaalipin sa alak? Halos linggo linggo na lang sila may inom. Hindi naman sila required na gawin iyon ah. Hayss. Hindi ko na talaga mauunawaan ang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]
Teen FictionRuhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She decides for herself and she's been independent for two years. No parents. No friends. No pets. No permanent home. A nobody. Joachim loves p...