06 | You, witch!

3.8K 100 32
                                    


06
You, witch!

Have you ever hated anyone for no particular reason? Like, ayaw mo lang sa taong yun dahil ayaw mo lang talaga sa kanya, ganon.

May namatay na kaya sa sobrang sama ng paninitig sa tao? Because even if I'm only a ghost, I'm not really fond of death but somehow I can't really help it. Sumasakit na ang mata ko sa sobrang sama ng tingin ko sa babaeng ito. Nahihilo na rin ako kakairap.

Akala ko kahapon lang siya aaligid kay Achi pero mukang lumalakas na ang loob ng isang to dahil talagang nakakahanap ito ng paraan para lang magkasama sila.

Tiniis ko yung buong araw nilang pag-uusap at paghangout sa isang coffee shop kahapon pero hanggang ngayon ba naman?

"Masakit ba? Sabihin mo lang para huhugutin ko."

"Hindi, sige lang. Baon mo pa konti, malapit na lumabas."

Tsk. Sagad ko kaya yan hanggang buto nang matigil kayong dalawa. Hmp.

Kasalukuyan silang nagkukuhaan ngayon ng dugo. Si Viy ang phlebotomist habang si Achi ang nagsisilbing patient. Akalain mo nga naman. Parehas pala sila ng kurso , magkaiba lang ng bloc kaya hindi ko nakita nung nakaraan sa klase.

Nakiusap si Viy kung pwede siyang tulungan ni Achi sa pagpephlebotomy kasi raw pumalpak ito nung nakaraan sa practical. Ito namang itlog na to ay pumayag.

Bakit di na lang mga kasambahay nila sa bahay ang pagpraktisan niya? For sure marami sila don kaya bakit si Achi pa? Tamang landi rin ang babaeng ito. Hindi ko tuloy makulit ang lalaki.

Gustuhin ko mang gumawa ng ibang bagay ay hindi ko sila pwedeng iwan mag-isa at baka kung ano pa ang gawin nila! At least not on my watch.

Lumapit si Inchay na may dalang pagkain sa sala. Kauuwi lang kasi nila galing university at dito na agad dumiretso. Ang mga kaibigan niya naman ay may kanya kanyang gagawin kaya di na rin sila sumama.

Feel ko sinadya nila yon para mapag-isa itong dalawang to e! Panay ang tukso kasi nila nung nalaman na may plano pala silang dalawa magtusukan.

Hindi ko nga alam kung patay malisya itong si Achi pero halata naman na dumadamoves sa kanya yung babae. Well, in my point of view gumaganti din paminsan minsan ng landi itong lalaking to.

Hmmm. I should do something about this.

"Ooh there! Nagbackflow na." sabi ni Viy.

"Good. Now, change the tube." utos ni Achi. Hindi ako makatingin ng diretso sa braso niya. Hindi ako sanay makakita ng dugo and to think na pangalawang tube na iyon ay feel ko na parang ako yung nauubusan ng dugo.

"I did it! Ikaw lang pala ang sagot para makakuha ako ng maayos e." pabebeng sabi ni Viy.

"We should go out on a date tomorrow then." sabay kindat ni Achi.

Ah ganon! Nanggigigil kong nilagyan ng maraming alcohol ang bulak na nakalabas sa tabi ng micropore. Napuno ang tube at tinanggal niya ang torniquet, sabay abot sa bulak.

Nilapat niya ito sa kung saan niya tinusok ang syringe at matagumpay akong nangiti ng makita ang aking hinihintay.

Halos mamilipit sa hapdi si Achi sa kanyang inuupuan. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang aking sarili.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon