26 | Too honest

3.2K 90 40
                                    


26
Too honest

Natapos ang mga itlog kumain at ngayon ay nagpapahinga sila sa entertainment room. Kasalukuyang may hawak na controller sina Matteo at Bryles sa kanilang mga kamay at tutok na tutok ang mga mata sa screen ng tv kung saan sila naglalaro ng NBA.

Hanggang dito ba naman, ganyan lang ang gagawin nila? Alas dos na ng hapon at isang oras na silang naglalaro ng kung anu-ano dito.

Like seriously? Nagpunta lang sila ng Manila para maglaro ng PlayStation?

This is unbelievable.

Expected ko magkakayayaan silang lumabas at humanap ng lugar na mapapasyalan pero mukhang wala silang balak na gawin iyon.

Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ako nakapagdesisyon na umalis muna. Kung ayaw nila, edi ako na lang ang gagala. Nagpaalam ako kay Achi at tinanguan niya lang ako.

Ewan ko ba, nasanay na ako na nagsasabi kay Achi ng mga pupuntahan ko. Paano lagi na lang siyang galit kapag hindi ako nagpapaalam. Lakas makajowa, e.

Inikot ko muna ang buong village at napahanga ako sa sobrang ganda ng mga bahay dito. May nakita pa akong artista na nagjojogging kasama yung rumoured boyfriend niya.

Sus, oa kung makatanggi sa interview na hindi sila, e, ayan na nga oh, sa harap ko pa naglandian. Mga bastos. Picturan ko kaya tapos send ko sa mga chismosa sa showbiz. Kikita kaya ako roon? Echosera, gipit na gipit lang, Ruhee?

Naikot ko na ang bawat sulok nito, hanggang sa makaabot na ako sa pinakagate ng village. Napatingin ako sa paligid at napakamot na lang sa ulo dahil hindi ito pamilyar sa akin.

Paano kaya ako pupunta roon sa school?

Gusto ko mang tanungin si Achi ay hindi ko na lang ginawa. Baka sumama pa siya, nakakahiya naman at baka hindi niya rin kabisado ang Manila. Istorbo lang siya. Kaya ko naman sigurong hanapin mag-isa iyon.

Sa byahe namin papunta rito ay napag-isipan ko na kung ano ang dapat kong gawin, mula sa paghahanap ng school sa panaginip ko hanggang sa mahanap ko nang tuluyan ang magulang ko.

At bago ko matunton ang pagkatao ko, iisa lang ang tao na dapat kong hanapin. At iyon ay ang babaeng tinuturing ko na bestfriend, si Jesca.

Hindi ko man alam ang buong pangalan niya, baon ko naman sa ala-ala ang kaniyang pagmumukha. Pwede na 'yon, hindi naman sigudo ako mahihirapan sa paghahanap.

Luminga linga ako para makahanap ng masasakyan. Hindi ko man kabisado ang lugar ay magaling naman ako sa direksyon kaya tiyak na makakauwi pa naman ako rito.

Bahala na, sumakay na lang ako sa kung saan ko feel na daan. Palakasan na lang 'to kay tadhana.

❇❇❇

Hindi ko madetalye kung paano ako nakarating dito, pero nakatayo lang ako sa gitna ng maraming tao na naglalakad sa iba't ibang direksyon.

Nasa harap ko ang isang malaki na building na animo'y white castle sa laki nito. Hindi lang iyon, dahil bukod doon ay may ibang building pa na nasa loob ng paaralang ito.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon