❇14
Oh, shit!Gusto ko si Achi...
Gusto kong siyang batukan sapagkat napakaOA niya kung makareact. Akala mo naman nagkasala sa kaniya si higad, e kamuntikan na nga itong malunod. Bakas din naman ang pag-aalala ng mga kaibigan niya pero siya lang ang halos magalit sa nangyari.
Alam kong responsibilidad nila ang babae dahil nakisama lang ito sa lakad nila, pero hindi ko akalain na magkakaganyan siya. Kung sabagay dapat lang siyang kabahan, dahil ang alam ng magulang ni higad ay sinama siya nito dito.
'Yan ang hirap e. Kapag may gala ang magbabarkada, may isang pangalan talaga ang hinahain sa magulang para lang payagan.
Ewan ko rin ba at nagpumilit rin ang isang 'to sumama. Alam kong landi is life pero sana naman marunong siyang makiramdam.
Buti na lang talaga at maunawain itong nga itlog na ito at pinasama siya kahit na ang planong ito ay para sa kanila lamang. Kung sa iba ay tiyak na hindi siya pasasamahin dahil bukod sa nag-iisa lang siyang babae ay sagabal lamang ito sa trip nila.
"Bruv, chill ka lang." si Haniel na umaawat na kay Achi.
"Ayos ka na ba, Viy? Ihahatid na kita sa kwarto natin." alok naman ni Bryles.
"Mabuti pa nga!" pahabol ni Achi bago nagwalk out. Problema non?
Tahimik nilang inakay si Viy paalis doon. Grabe ha, hindi naman yan nalunod ng bongga para akayin nilang lahat. Nakakaloka ha!
Hinabol ko si Achi. Hindi pa ito gaanong nakakalayo kaya naman nagawa ko pang makaabot sa kaniya.
"Ba't galit ka?" tanong ko ng tabihan ko siya sa paglalakad.
"I'm not mad!" masungit at madiin niyang sabi.
Hindi raw? E, sa tono ng pananalita niya ay may halong galit pa rin iyon. "Sus. Concern na concern ka nga kay higad kanina tapos pinagalitan mo pa." sabi ko.
"Shut up." inis na sabi nito.
"Pero di nga, bakit ganoon na lang yung reaksyon mo kanina?" pangungulit ko pa.
Inirapan niya ko, "None of your business."
"Ay, ang sungit mo ha. Nagtatanong lang, e!" hingal na sabi ko. Sa laki ba naman ng biyas niya ay hindi ko masabayan ang mabilis nitong paglakad.
He stopped, as I finally able to catch up my breath. "Girls are so stubborn! Why don't you just listen and do what you're told." bulyaw niya.
Luh! Saan niya hinugot ang hinanakit niyang iyan?
"Lahatin talaga? Hindi naman lahat ng babae ay ganon." sabi ko.
Still frustrated, "Kaya nga kayo pinagsasabihan para hindi kayo mapahamak tapos ipipilit niyo pa rin ang gusto niyo!" he trailed.
"Aba! 'Wag mo ngang lahatin. Hindi naman lahat ng babae kayang malunod ng gaya ni higad." sabay irap ko.
"Tapos kung kailan huli na ang lahat, tsaka lang kayo makikinig!" galit na sabi niya sabay padabog na naupo sa buhangin.
BINABASA MO ANG
Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]
Teen FictionRuhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She decides for herself and she's been independent for two years. No parents. No friends. No pets. No permanent home. A nobody. Joachim loves p...