❇29
You're a cheaterAwkward lang akong nakatayo rito sa labas hanggang sa matapos sila sa kanilang ginagawa. Nang maramdaman kong paalis na sila sa kung saan man ay pumasok na agad ako sa likod at doon naupo.
Gusto kong buksan ang bintana dahil umaalingasaw ang amoy ng alak sa loob ng sasakyan. Hindi pa nakatulong ang malakas na musika na galing sa radyo.
Tinakpan ko na lang ang ilong ko at ibinaling ang atensyon sa babaeng nasa harap. Nakasandal na ang ulo nito sa upuan at nakapikit na rin ito sa pagod.
Sino ba namang hindi mapapagod, halos kalahating oras din silang gumagawa ng milagro dito sa loob no.
Bigla tuloy akong naconscious sa inuupuan ko. Baka may bakas pang naiwan dito at hindi ko kayanin.
Tahimik lang ang naging byahe namin at bumagsak kami sa isang condo dito sa Makati. Inalalayan ng lalaki si Jesca habang pagewang gewang na itong naglalakad.
Nakarating kami sa isang kwarto at doon nilapag niya ang babae sa kama. Parehas silang bumagsak doon at mabilis din silang nakatulog.
Ako naman itong hindi malaman ang gagawin sa nangyari dahil nagpaagos lang ako sa kung saan sila pupunta.
Nang mahimasmasan ako ay hinayaan ko na lang sila sa kwarto at lumabas na lang papunta sa sala. Tinignan ko ang nandoon at halos wala namang gamit na makakapagbigay sa'kin ng impormasyon ukol kay Jesca.
Sumuko ako sa paghahanap at doon sumagi sa isip ko na iniwan ko nga pala sila Achi doon sa lugar na iyon. Napatingin naman ako sa orasan at nakitang alas dos na ng umaga.
Hindi ko alam kung nakauwi na sila pero pumasok muli ako sa kwarto at hinagilap ang phone ng isa sa kanila.
Nang mahanap ko ang cellphone ni Jesca sa bag niyang dala ay agad kong dinial ang number ni Achi na memoryado ko.
Ilang ring ang aking narinig nang sa wakas ay sinagot niya rin ito.
"Hello?!" pagalit niyang sagot.
"Hey, this is Ruhee." maingat kong panimula.
"Where the fuck are you?!" singhal niya.
Napapikit naman ako dahil ramdam ko ang galit niya sa tono ng pananalita niya, "Uh, so here's the thing. I found her, my best friend, and I followed her here in a condo. Uuwi rin naman ako jan mamaya." sabi ko.
"Bakit hindi mo ko tinawag? Sana nasamahan kita!"
"Uh, mabilis ang pangyayari, e. Basta magkita na lang ulit tayo mamaya. Nakauwi na ba kayo?" tanong ko.
Napabuntong hininga na lang siya, "Yes. You better be here by afternoon." sabay putol ng linya.
Awts, gege.
Binabaan agad ako nang hindi man lang nagpapaalam.
Pangit ng ugali.Binura ko ang call history namin bago ako pumunta sa sala at doon nahiga sa couch. Nakakapagod ang araw na ito. Isang hikab ang nakawala sa akin kasunod ang isang ngiti na hindi ko napigilan.
BINABASA MO ANG
Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]
Teen FictionRuhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She decides for herself and she's been independent for two years. No parents. No friends. No pets. No permanent home. A nobody. Joachim loves p...