❇
34
Eager
Hindi ko alam na posible palang makaramdam ng kaba at tuwa sa isang pagkakataon. Yung matagal ko nang inaasam, makakamit ko na rin ngayon.
Kung aking iisipin..
Parang kahapon lang nung lumipad ako papuntang Cebu, sumakay sa eroplano na hindi alam kung saan tutungo. Naglakad sa hindi pamilyar na lugar at doon nakilala ang isang tao na tanging nakakakita sa akin. At ngayon sa paglipad ko papuntang lugar kung saan ako nag-iwan ng bakas noong ako ay nabubuhay pa ay siya rin ang 'di ko akalaing makakasama ko upang matuklasan ang aking nakaraan.
Life indeed works in a mysterious ways, huh.
Kahit pala may gusto tayong gawin sa ating buhay hindi pala ito makukuha agad. Kahit na nailatag na natin ang plano para sa atin hindi iyon mangyayari kung hindi ito pabor sa tadhana.
Kahit anong pilit natin na mangyari ang mga bagay bagay sa mundo ay mangyayari lamang ito kung tayo ay handa na para rito.
Gayunman, mayroon naman na hindi talaga dumarating sa ating buhay kahit ginawa na natin ang lahat upang makamit ito. Sadyang hindi lang ito karapat-dapat sa atin dahil maaaring hindi magdudulot ng maganda ito sa ating buhay o kaya naman may mas inilaan pang mas maganda ang nasa taas para sa atin.
Kaya naman patuloy lang tayong lumaban sa araw na ibinibigay sa atin kahit na hirap na hirap na tayong bumangon dahil hindi natin malaman ang susunod na hakbang na ating gagawin.
❇❇❇
Hindi ako mapakali sa aking kinauupan ngayon sa tabi ni Achi. Nakailang ayos na ako ng upo ngunit parang napapaso ang aking pang-upo sa tuwing lumilipat ako ng pwesto. Samantalang, kalmado lang na nagmamaneho si Achi kahit na paminsan-minsan niya akong nasusulyapan sa aking sitwasyon.
"You, okay?" hindi na napigilang tanong ni Achi.
Tumango naman ako, "Yeah, just a little bit nervous. I guess?" sabi ko naman.
"Why? Ngayon pa lang sasabihin ko na, 'wag kang magselos sa'min mamaya. Mag-uusap lang kami."
Napairap agad ako sa narinig, "Selos mo mukha mo! Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Parang hindi ako handa na malaman ang kung anong buhay mayroon ako noon." alanganin kong sabi na lalong nagpakaba sa akin.
Paano kung malaman ko na wala na pala sa mundong ibabaw ang mga mahal ko sa buhay? Paano kung ako ang naging dahilan ng pagkawala nila? Paano kung may mga nasaktan pala ako noong nawala ako?
Hindi kakayanin ng konsensya ko kung malaman ko na ako ang naging sanhi ng pagkalugmok ng isang tao.
"Hey, don't overthink. Just calm down and brace yourself for whatever you'll hear from her. I'll try my best to ask about you even though that's out of the line." sabi niya.
Kanina ko pa rin iniisip ang bagay na iyan. Hindi ako alam kung paano niya ako itatanong kay Jesca. Paniguradong magtataka iyon kung bakit ako kilala ni Achi gayong hindi pa ata ako nakakarating ng Cebu dati.
BINABASA MO ANG
Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]
Teen FictionRuhee loves traveling. She can go wherever she wants and explore the world. No one tells her what to do. She decides for herself and she's been independent for two years. No parents. No friends. No pets. No permanent home. A nobody. Joachim loves p...