17 | Eraserheads

3.2K 82 20
                                    


17
Eraserheads

Isang kumpol ng ingay ang bumulabog sa katahimikan namin. Napalingon kami sa mga nagsulputang itlog sa gilid namin kasabay no'n ang siyang pagtama ng tingin namin ni Achi pero bago pa ako makapagreact ay inirapan niya na ko.

Problema no'n?

Hindi na nila kasama si higad dahil marahil ay nagpapahinga pa rin iyon sa kwarto. Samantalang nag-aagaw liwanag na ang langit at halos humahabol na lang nang pagtampisaw ang mga tao sa paligid. Marami sa kanila ang nagliliwaliw na sa buhangin. May mga naglalaro na rin na bata sa tabi.

Isa-isang naglusungan ang mga itlog sa dagat at nag kaniya-kaniyang langoy na ang mga ito. Nanatili kami sa aming pwesto at pinagmasdan na lang ang mga ito.

Nagmistulang mga bata ang mga itlog sa ginagawa nila. Napapailing na lang ako sa tuwing may natatalo sa kanilang paligsahan. Madalas pa naman matalo si Bryles na siyang napagtitripan halos ng barkada kaya lagi na lang itong naghihimutok na magparaya ang iba.

Nakakatuwang isipin na para silang nakawala sa mundong nakasanayan nila. Puno ng tawa at ngiti ang mga mukha nilang madalas makitaan ng pagsimangot.

Alam kong bawat isa sa kanila ay may sari-sariling kwentong bitbit, hindi ko man marinig iyon mula sa kanila ay nakikita ko kung paano sila tumatayo nang may lakas sa bawat araw na dumaraan.

Talagang nakakabilib ang kakayahan ng kapalaran na mapaikot ang mundo. Paano kaya kung hindi sila nagtagpong magkakaibigan? Mahahanap pa rin kaya nila ang kanilang sarili kung hindi sila nagkakilala?

Minsan naiisip ko paano kaya kung yung mga bagay na mayroon tayo ay hindi natin nakamit? Paano kung nagbago ang isip ko na sumakay sa eroplanong papunta rito ng mga araw na iyon? Makikilala ko pa rin ba sila? Magkakaroon pa kaya ng pagkakataon na magtagpo kami ni Achi na siyang kauna-unahang tao na nakakita sakin?

Tingin ko kung mabago man ang paraan ng mga dapat mangyari ay hindi pa rin iyon magiging hadlang para magkatagpo ang mga bagay-bagay.

Naniniwala ako na kahit anong sagabal ang mayroon sa tadhana ay hindi nito mapipigilan ang dapat mangyari. Naniniwala ako na kahit anong maganap ay magtatagpo pa rin ang isang bagay sa kahit anong paraan.

Anuman ang maging dahilan ay walang makakapigil dito. Sapagkat nakalaan na ang dapat mangyari simula nang tayo ay bigyan ng buhay ng Panginoon.

Gaya na lamang nila Sefin at Erza. Napapaisip ako bakit ngayon lang kami nagkita samantalang ang tagal ko nang nakakasama ang magbabarkadang ito. Kahit na ganoon, alam kong may dahilan kung bakit ito nangyari.

Gaya nga ng sabi nila, "Everything has its own timing."

Kahit gusto mong mangyari ang mga bagay sa gusto mong oras ay hindi maaari dahil nakalaan na ito sa itinakdang panahon. Ang tanging magagawa mo lang ay maghintay at matuto sa bawat hakbang papunta sa iyong hangarin.

Dumilim ang paligid at nagsiahunan na ang mga tao. Isa-isang gumayak ang mga lalaki. Bagamat naaayon pa rin ang kasuotan sa beach ay halata pa rin ang walang hirap nilang porma.

Si higad ay nagluluto na ng pagkain habang ang mga itlog naman ay abala sa paglabas ng mga dinala nilang inumin mula sa ref.

Loving Her Soul [Book 1 of Loving Her Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon