Chapter 9

94 10 2
                                    

FRANCHESKA'S POV

I keep on rolling to find a comfortable position pero wala eh. Napuyat ako kakaisip kaya naman pagod akong nagising kinabukasan.

"Babe! Gumising kana nga!" Sabi nya at hinablot ang kumot mula sakin.

Nandito nanaman yung hapon ko.

Inis akong umupo sa higaan ko at tinignan sya.

"Para kang panda." Natatawa nyang sabi at tumayo.

Di waw. Atleast cute parin.

"Wag mo kong asarin wala ako sa mood." Naiinis kong sabi.

"Tch. Maligo ka na nga. Baho mo." Sabi nya.

Sakit ng ulo ko ah!

Para akong lasing na pumasok sa bathroom at naligo na. Thursday ngayon kaya naman naka suot ako ng PE uniform and PE shoes. I tied my hair into a bun and some strands of my hair were on my face. Nag spray ako ng pabango at isinuot ang aking sapphire bracelet.

Habang naka tingin ako sa salamin ay may kumatok sa pinto.

"Cheska." Rinig kong tawag ni Haru sakin mula sa labas.

"Ano?" Tanong ko habang naglalagay ng lip balm sa labi ko.

"Buksan mo nga to." Utos nya kaya naman pinag buksan ko sya.

"What do you want?" Tanong ko sakanya matapos syang pagbuksan ng pinto.

"Wala lang." Sabi nya at umupo sa vanity chair ko.

Tch.

"Alam kong may kailangan ka kaya sabihin mo na." Sabi ko at lumapit sakanya.

Tinignan nya ako bago ngumisi ng nakakaloko. He pulled me at pinaupo sa lap nya kaya naman naramdaman kong nang init ang pisnge ko.

"W-what are you doing?" Nauutal kong tanong.

He placed his head on my shoulder and back hugged me.

"Hindi ka nakatulog kagabe no?" Tanong nya at bigla nalang akong kinarga bridal style.

"Hoi!! Gago ka ah!" Sabi ko at hinampas ang dibdib nya.

He placed me on the vanity table kaya naman magka pantay na kami ngayon.

"No?" Nang aasar nyang sabi.

"M-maayos kaya ang pagkatulog ko!" Pagsisinungaling ko.

"Eh bat naninigaw ka?" He said.

Natahimik naman ako.

He started moving closer kaya naman nagulat ako. I closed my eyes when I felt his lips on mine. He slowly kissed me until it turned into an aggressive one kaya naman napahawak ako sa shoulders nya while he was holding on my waist for support. I opened my eyes again when I felt him moving away.

"Yak. Lasang lipbalm." Reklamo nya.

Nakatulala lang ako dahil hindi ako maka paniwala.

Gago? Ka?

Parang nawala ako sa sarili ko.

Ano yun?

What the heck?

Gaga ka ba Cheska?

"Huy! Cheska!" Malakas nyang tawag kaya naman nabalik ako sa sarili ko.

I quickly let go of him.

Destined To Be Together Where stories live. Discover now