Looking at her walking down the aisle makes me want to cry out of happiness.
Bigla nalang ring bumalik ang mga alala namin noon. Ang mga asaran, kagaguhan, pikunan at iba-iba pa.
Napangiti nalang ako bigla at naalala ang dahilan ng pag away namin.
*FLASHBACK*
She's here.
"Bro. Gawin mo na." Bulong ni Kael saakin.
Nakatingin ako sakanya. She's practicing for her performance. Nakatago naman sina Luhan at Kael dito sa may couch.
Dahan-dahan akong lumapit sakanya para hindi nya ako marinig.
One, two, three!
I suddenly did a 360 kick at sa hindi inaasahan, Natamaan ang mukha nya!
Luhan and Kael stupidly dared me.
Natalo kase ako sa bet namin kaya naman idinare nila akong gulatin at magyabang sa harap ni Cheska.
"Aray!"
*END OF FLASHBACK*
"Huy Haru." Rinig kong tawag ni Cheska saakin kaya naman nabalik ako sa realidad.
She's here. Standing in front of me, in a Royal Blue wedding dress.
"You're so beautiful." Bulong ko sakanya at inalalayan para humarap na kami sa altar.
The wedding started and it felt like something I'd never expect.
From enemies to lovers.
"Do you, Haru Takahashi, take Francheska Jin De Larie as your wife, and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death will do apart." The priest said.
I looked at Cheska while holding both her hands.
"I do." Nakangiti kong sagot at isinuot sakanya ang wedding ring.
"Wooh!" Walang hiyang sigaw ng mga kaibigan namin kaya naman napatawa kami ni Cheska.
"Do you, Francheska Jin De Larie, take Haru Takahashi as your husband, and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death will do apart." The priest asked Cheska.
"I do." The way she smiled while sliding the ring unto my finger.. ack.
"You may now kiss the bride." The priest said, smiling.
I started moving closer until I felt our lips touch.
Nag sipag palakpakan ang mga tao at nag sigawan naman ang mga supportive na mga baliw.
"Wooh! Cheska!" Malakas na sigaw ni Luna.
"Cheska! Matanda kana!" Sigaw naman ni Janine.
"Bestfriend namin ang mga yan!" Sigaw naman ni Dred.
"Panotice mga black belters!" Sigaw naman ni Adrian.
"Kapatid ko yan!" Sigaw naman ni Ate.
"My gosh Cheska at Haru!" Alzee also yelled.
Lumayo na ako mula sa pagkahalik ko sakanya at ngumisi ng nakakaloko.
"The hell are you smiling at?" Nagtatakang tanong ni Cheska.
"Akin ka na, Mrs. Takahashi." Nakangisi ko paring sabi.
"I sound like your mom." Biro ni Cheska. "But, I have always been yours."
Napatawa rin ako at bumaling sa mga kaibigan namin.
"Bro!" Sigaw naman ni Luhan at Kael sabay kaway.
Nginitian ko lang sila ng nakakaloko.
Some guests were still clapping and smiling at us.
"Kuya!" Sigaw ni Cheska at inilabas ang dila nya sabay pakita sa kamay nyang may sing-sing.
The wedding ceremony ended and lumabas na kami mula sa simbahan.
"Congrats."
"Congrats sainyo."
"Congrats. Wish you a happy life."
At marami pa.
We also thanked them.
"Hi sister-in-law!" Nakangiting sigaw ni Ate kay Cheska habang naglalakd papunta sa gawi namin at sunod-sunod naman nya si Jacques.
"Magiging Takahashi na ako at magiging De Larie kana." Tumawa si Cheska kasabay si Ate.
"Oo nga no?" Si Ate.
Bumaling si Cheska sa kuya nya.
"Kuya. Wala ba akong congrats dyan?" Nang aasar nyang sabi.
"Wala." Nakangusong sagot naman ni Jacques at bumaling saakin. "Ingatan mo yan ah?"
"Ako pa." Nakangiti kong sagot.
"Bunso namin yan kaya wag na wag mo yang sasaktan." Medyo nagulat ako dahil biglang sumulpot si Jazen kasama si Alzee, Adrian, Luna, Dred, at Janine.
"Oh my gosh! You're married na!" Naiiyak na sabi ni janine at niyakap si Cheska.
"Cheska, wag mo kaming kalimutan ha?" Naiiyak ring sabi ni Luna at iniyakap rin si Cheska.
"Tanga. Bruha. Hindi ako aalis." Natatawa nyang sagot.
"I love you, gaga." Sabay sabi ni Luna at Janine at muli silang mag yakapan.
"Haru! Yakapan din tayo!" Naiiyak kunwaring sabi ni Dred at akmang yayakap saakin.
Akma rin akong yayakap sakanya pero iniliko ko ang kamay ko at iniyakap ang sarili. Same goes to Dred.
"Mga gago talaga kayo." Natatawang sabi ni Alzee.
"Hindi ako. Sya lang." Sabi ko at tinuro si Dred.
"Ofcourse, MaHARUt ka eh!" Sabi naman ni Adrian.
The day ended and now we're finally married. It's so unreal. I mean, nung nakaraang taon ay magkaaway kami ni Cheska at ngayon, kasal na kami?
"I love you." Sabi ni Cheska at iniyakap ako.
"I love you too." Sagot ko naman at iniyakap rin sya.
"Now, I believe that we're really Destined to be together..." She said and kissed me...
THE END....
THANK YOU FOR READING!!!
YOU ARE READING
Destined To Be Together
Fiksi RemajaDESTINY SERIES #1 Cheska, a taekeondo player from Dela University finds herself falling again for her first love, Haru. Secrets, friendship, and memories worth keeping for. Start: October 7, 2019 End: August 13, 2020