Chapter 3

125 13 1
                                    

JANINE'S POV

Friday na ngayon at umabsent naman si Cheska dahil sa nangyari kahapon.

We are here sa secret spot namin sa garden kasama si Luna, Adrian, Dred, Haru, Luhan, at Kael na kumakain ng lunch since ito lang naman ang free time namin.

"Paano mo naman nalaman na si Emily nga ang may gawa nun? You can't just blame her Janine." Naiinis na sabi ni Haru.

"Why? It's obvious that she did it." Mataray kong sabi.

"Wala kang ebidensya, Janine. Wala naman ding sinabi si Cheska kung sino ang nakita nya or kung may nakita nga ba sya." Sabi din ni Luhan.

Kaninong side ba talaga sila? Kay Emily o kay Cheska? Just because ex ni Haru si Emily doesn't mean she can't do anything like that. Plus, galit pa sya kay Cheska.

"Nang hihinala din ako kay Emily eh." Sabi ni Adrian kaya napalingon kaming lahat sakanya. "Kahapon kasi ay hindi ko sya masyadong nakita. Late din syang pumasok sa quarters namin kahapon at pinagpawisan pa. Pinagalitan pa nga sya nung advisor namin eh." Sabi naman ni Adrian.

Tama nga ang sinabi nya. Emily was late yesterday at pinag pawisan pa.

"Same to Ella." Sabi ni Dred kaya napalingon naman kami sakanya. "Late din syang pumasok kahapon at pinag pawisan pa nung pumasok sya sa quarters namin." Sabi ni Dred.

"Ikaw, Luna? Magka-team naman kayo ni Andrew at Diamond diba? May napansin kabang kakaiba kahapon?" Taas kilay kong tanong.

"Actually, hindi magkasamang pumasok sa room si Andrew at Ruby. Diamond was the one who came first at parang galing syang tumakbo dahil nagmamadali syang pumasok sa quarters namin." She said and sipped her drink.

"How about Andrew?" Seryosong tanong ni Haru kay Luna.

Nakikinig nalang ang iba sa mga sinasabi namin habang nag patuloy sa pagkain.

"I didn't see him after lunch actually." Tinignan nya muna kami bago ibinaling sa pagkain ang paningin.

"May nakita din ako kahapon pero I don't think this is related to the topic." Sabi ni Kael at isinenyas ko naman na magpatuloy sya. "Luhan, naalala mo pa ba nung pabalik na tayo sa gym dahil hindi natin na kita si Cheska at may narinig tayong nag sisigawan?"

"Yung sa tabi ng highschool building? Oo. Kung hindi ako nagkakamali ay si Emily at Andrew yung nakita natin dba?" Sagot ni Luhan at tumingin din kay Mikael.

Si Emily at Andrew nag aaway? Baka nag break.

"Baka nag hiwalay." Sabi ko at tumingin naman si Haru sakin.

"Oh Haru? Why are you looking at Nine?" I don't know if Luna is being sarcastic or not but if she's being sarcastic then I'll proudly say that she learned that from me!

"Haru? Do you, perhaps... still like Emily?" Mahina kong tanong at tinignan nya lang ako kaya tumahimik kaming lahat.

FRANCHESKA'S POV

Ang boring naman dito! I can't wait for Luna and Janine to be here para hindi naman boring.

I was just scrolling through social media when I heard the doorbell.

*ding dong*

"Ms. De Larie, nandito na po sina Ms. Tan at Ms. Cruz. They also have company with them. Papasukin na po ba namin sila?" Magalang na sabi ng isang maid.

Destined To Be Together Where stories live. Discover now