Chapter 11

85 7 0
                                    


FRANCHESKA'S POV

Nandito lang ako sa loob ng silid ko habang nakahiga sa aking kama. Nakatulala lang ako sa kisame nung may narinig akong nabasag.

"Ano yun?" Nagtataka kong tanong sa sarili ko. "Baka wala lang." I tried to shrug it off.

Pero alam kong malapit lang eh...

Tumayo ako para lumabas sa silid ko. Nakita kong nagpapanic ang mga maid kaya naman taas kilay ko silang tinignan dahil nandon sila sa labas ng silid ni daddylo...

What the hell? Anong ginagawa ng mga yan jan? Diba sabi kong hindi sila pwedeng pumunta jan?

Nasa dulo ng hallway ang silid ni daddylo at may dalawang silid pa mula sa silid ko pero narinig ko parin yun, and besides, ang lakas kaya nang pagka basag na yun.

I went to them at nakita ko kung paano natakot ang mga maid.

"What's happening here?!" Galit kong tanong at tinignan ang pintuan ng silid.

"M-ms. D-de Larie." Nauutal na tawag sakin ng isang maid.

"Sinong nan jan?" I asked with a killer glare.

Natahimik ang lahat at naka yuko naman ang iba.

"Sino?!" Galit kong sigaw at ibinaling sa door knob ang atensyon.

I was so close to opening it when a maid held my wrist to prevent me from opening it.

"Don't touch me." I said and aggressively pulled my wrist mula sa pagkahawak nya.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa door knob and slowly twisted it. Na gulat ako dahil bukas yun...

Oh my gosh! I never left this room open!

I opened the door widely at parang nang hina ako.

My daddylo's last portrait... nahulog yun at nabasag...

"Sinong may gawa nyan?" Walang gana kong tanong. "Are you deaf? Sino nga?!" Galit ko nang sigaw.

Lumapit si butler Lee sakin pero napahinto rin sya sa tapat ng pinto.

"Ms. De Larie---" Butler Lee didn't even finish what he was saying dahil nagulat rin sya sa nakita nya.

Dahan-dahan akong lumapit sa portrait at tinignan yun nang maigi.

"Nandito si kuya ano?" Sabi ko habang nasa portrait pa rin ang paningin.

"Yes Ms. De Larie." Pormal na sabi ni butler Lee.

I promised myself to protect his last portrait pero ano na ngayon?

"Where?" Tanong ko at bumaling kay buter Lee na nandoon parin sa tapat ng pinto.

"Nasa baba. Kasama ang mga kaibigan nya." Sabi ni butler Lee at nag baba ng tingin.

Nasa baba. Kasama ang mga kaibigan nya.

It repeated on my head.

Damn it.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa labas ng silid na yon. Wala akong pake kung may na saktang maid dahil binanggaan ko sila.

I quickly went in my room to find the key na nasa isang secret drawer ko sa loob ng aking closet pero wala yun don.

Tangina.

Lumabas ako sa silid ko and stopped on the top of the stairs. My blood boiled when I saw kung sino ang mga nandoon.

Padabog akong bumaba at pumunta sa gawi ng mga kuya ko.

Destined To Be Together Where stories live. Discover now