FRANCHESKA'S POV
Sunday na kaya hindi ako pupunta sa company ngayon. Tinignan ko kung anong oras na at 7 am palang.
I started getting ready. I took a shower and wore my black leggings and paired it with black sports bra. I usually go to the gym during sundays dahil iyon lang ang free time ko.
Hindi ata ako tinawagan ni Haru kahapon ah? Baka busy.
I just shrugged it off and continued on packing my things. Magkasama kami nung friday pero hindi man lang sya nagpakita oh nag paramdam kahapon.
Lumabas na ako sa unit ko at nagsimula nang mag lakad papunta sa parking lot.
"Good Morning Cheska!" Bati saakin ni Leyla pag pasok ko sa gym. Sya ang taga silbing front desk dito sa gym.
"Good morning." Bati ko rin at naglakad na papunta sa isang bench para ilagay ang mga gamit ko.
I started stretching and decided to run.
Habang nag tatakbo ako sa treadmill ay may napansin akong pumasok. Napatitig ako sakanya. Maputi, matangos ang ilong, medyo singkit ang mga mata at mataas din.
Kael?
Nagtama ang mga tingin namin kaya naman agad akong nag iwas ng tingin at ibinaling ang atensyon ko sa harap.
"Cheska?" Rinig kong may nagtanong kaya naman napalingon ako sakanya.
"Cheska nga." He said and chuckled. "Kumusta kana?" Nakangiting tanong nya.
Bumaba ako sa treadmill para makipag kamustahan sakanya.
"Kael! Mag isa kalang?" Tanong ko at nginitian rin sya.
"Uhh no. Oh. Nandito na pala sila." Sabi nya sabay lingon sa entrance.
Nakita ko si Haru at may kasama pa syang isang lalake and I'm guessing that it was Luhan, at isa pang babae.
Alleiya...
Napataas ang kilay ko. Makikita mo ang tuwa sa mukha ni Haru habang nag uusap sila.
Sya siguro ang kasama nya kahapon. Ouch.
Nang magtama ang paningin namin ni Haru at parang nagulat sya.
"Cheska? Uy! Kumusta?" Bati ni Luhan sakin sabay yakap nung makalapit sya.
I also hugged him and looked at Haru na ngayon ay nasa harapan ko na at katabi si Alleiya.
"I'm Alleiya Carrez. You are?" Nakangiti nyang tanong at inilahad ang kamay.
"Francheska." Tipid kong sagot at tinanggap ang kamay nya.
"H-hi Cheska." Nauutal na bati ni Haru.
Cheska huh?
"Mauna na ako." Paalam ko.
"That fast?" Nagtatakang tanong ni Kael.
May epal eh.
"Yeah. I'll see you nalang sa susunod. Bye." Sabi ko at tinapunan muna ng tingin si Haru bago pumunta sa bench para kunin ang mga gamit ko.
"Bye Cheska!" Paalam ni Luhan at Kael sakin.
I waved my hand at them at nag simula ng maglakad papunta sa labas. I was about to get in my car when a hand stopped me.
"Babe." Tawag ni Haru.
"What?" Inis kong tanong at nilingon sya.
"Galit ka ba?" Tanong nya.
YOU ARE READING
Destined To Be Together
Novela JuvenilDESTINY SERIES #1 Cheska, a taekeondo player from Dela University finds herself falling again for her first love, Haru. Secrets, friendship, and memories worth keeping for. Start: October 7, 2019 End: August 13, 2020