Chapter 26

49 5 1
                                    

HARU'S POV

"A-aalis s-sya?" Nauutal kong tanong sa sarili.

"Bro! Habulin mo!" Sigaw ni Luhan sakin.

Sinundan ko sya ng tingin hanggat sa makababa sya ng stage.

No! Hindi sya aalis!

Dali-dali akong nag lakad papunta sa kanya.

Ang bilis nyang mag lakad!

Nag hahabol ako sakanya at mismong sya ay nagpapahabol rin!

"Cheska!" Tinawag ko sya pero hindi nya ako nilingon at nagpatuloy lang sya sa paglalakad.

Mas binilisan pa nya ang paglakad at para na nga syang tumatakbo kaya naman tumakbo na ako papunta sakanya.

"Cheska!" I called her again and pulled her wrist making her face me.

Nandito na kami sa parking lot. I didn't know na may short cut pala ang resort nya papunta dito.

"What?" Inis nyang tanong habang naka tingin sa kamay kong nasa palapulsuhan nya.

I let go of her.

"Cheska." I called her again.

"Kanina kapa tawag ng tawag! Ano nga!?" Inis nyang tanong.

"Please don't leave." Nagmamakaawa kong sabi.

"Huh." She scoffed sarcasticaly. "Sino ka ba? Hindi na kita boyfriend," diniinan nya ang huling salita. "So why the hell should I listen to you?" She continued and looked at me. Tinignan nya ako sa paraang walang ka buhay-buhay.

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nya.

If only you knew what really happened.

I don't know what to say. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ni hindi nga ako maka galaw.

"Ano? mag titigan nalang tayo dito? Eh kung ganyan lang naman, aalis na ako." Sabi nya at tinalikuran ako.

I suddenly back hugged her.

"Please don't leave." I whispered.

I tightly hugged her. The hug that says "Don't leave." The hug that says I'll always be here. The hug thats telling you a thousand of words but expressing it through a hug.

"Leave me alone, Haru." Nagbabanta nyang sabi at sinubukang itanggal ang kamay kong naka yakap sakanya, pero mas hinigpitan ko lang ang pagyakap.

"I'm not letting you go." Naiiyak kong sabi. "Why don't you listen to me? Huh? Bakit ayaw mo akong pakinggan?" I asked trying hard not to cry.

"Kilala kita Haru. At alam kong pwede mo akong talikuran anytime." Malungkot nyang sabi.

Napa maang ako.

"Y-you know me naman ah?" My voice broke. "Then why don't you listen?" I said and tears started falling. "Please don't leave me again..."

Mas lalo pa akong napa iyak. I felt her crying too.

"Well I guess, ikaw nalang ang walang alam na aalis ako." She said and harshly freed herself from me.

Mas lalo pa akong nanlumo.

Alam na pala nilang lahat. But why didn't they tell me?

Sinundan ko sya ng tingin. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad. She didn't even look at me. She just left. That's it.

Aalis na sana ako nang may napansin akong papel sa bulsa ko.

Since when was this here?

Umiiyak man, nagtataka ko yung kinuha. Binasa ang naka sulat don.

Destined To Be Together Where stories live. Discover now