HARU'S POV
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko...
I brought Cheska here in my condo at ngayon ay natutulog na sya sa loob ng silid ko. Nakaupo ako sa couch dito sa sala habang nag iisip ng malalim.
Alley, Bat ba kase bumalik ka pa?
Inis kong isinampal ang sarili ko.
"Ouch." Sabi ko sabay hawak sa pisnge ko.
Cheska. I'm sorry. I'm really sorry...
Napatingin ako sa pintuan nung marinig kong bumukas yun. Lumabas si Cheska mula sa silid na para bang lasing at hawak ang kanyang ulo.
"Babe." Sabi ko sabay lapit.
"Stupid Mateo! I'll really punch him on the face! Argh." She said and groaned.
Inalalayan ko sya papunta sa kitchen at kumuha ng tubig.
"Are you hungry?" Tanong ko habang naglalagay ng tubig sa baso.
"No." Sabi nya at maingat kong inilagay ang baso sa counter top. "May kailangan pa akong puntahan." Sabi nya at tumayo.
She looks pale.
"Babe." Sabi ko at lumapit sakanya.
"Hmm?" Tanong nya at tinignan ako.
"Dito ka nalang muna."
Hinila ko sya kaya naman nauntog ang ulo nya sa dibdib ko. Iniyakap ko sya ng mahigpit.
"I missed you." Bulong ko sakanya.
"Me too." Sabi nya at inilagay ang kamay nya sa batok ko.
I started bringing my face closer to her and same goes to her. We were so close to kissing pero biglang tumunog ang phone ko kaya naman binitawan ko muna sya at sinagot yun.
"Ano?" Inis kong tanong.
《Ru! Let's have dinner later?》 Natigilan ako at napalingon kay Cheska.
Naka taas na ang kilay nya ngayon habang nakakrus ang dalawang braso at deretsong nakatingin saakin.
Shit! It's on speaker!
《Hello? Ru? Ya there?》
"Uhhm I'm busy."
《I'll go to your company later then.》
"N--"
Alleiya ended the call.
"Sino yon?" Tanong ni Cheska pero hindi ko na mabasa ang mukha nya ngayon.
"S-si Alleiya." Sagot ko kaya naman nawala na ang pagtataas nya ng kilay dahil sumalubong na yun!
"Move." Sabi nya.
Hinawakan ko ang kamay nya pero itinakwil nya lang ang kamay ko.
"Babe." Tawag ko sakanya habang sinusundan sya patungo sa silid ko.
"It's Cheska." Sabi nya habang naka talikod sakin.
I suddenly back hugged her.
"Bitawan mo nga ako." She said and tried to free herself from me.
"Ayoko nga." Sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap ko sakanya.
"Haru." Nanunumbat nyang sabi.
"Hmm?" I innocently asked kaya naman mas lalo pa syang na inis.
Alam ko ang susunod nyang gawin kaya naman hindi sya nagtagumpay.
YOU ARE READING
Destined To Be Together
Teen FictionDESTINY SERIES #1 Cheska, a taekeondo player from Dela University finds herself falling again for her first love, Haru. Secrets, friendship, and memories worth keeping for. Start: October 7, 2019 End: August 13, 2020