Labag man sa loob ko ang iwan si Ate Via duon, ay Wala akong nagawa.
Kailangan kong mag isip nang paraan para maitakas ko si Ate Via sa poder ni Tiyang Melinda. Hindi ako pwede mag pa dalos-dalos, dahil alam kong sasaktan nanaman kami ni Tiyang Melinda pag nahuli Niya kami.
Hindi ko Naman maiwasan Ang Hindi makaramdam nang sakit at lungkot dahil sa naisip ko.
Bakit ko ba kasi hinayaan si Ate Via na manatili dun sa poder ni Tiyang Melinda? Bakit ko ba kasi kinalimutan Kung gaano ka grabe kami saktan ni Tiyang Melinda Kung nakakagawa kami nang isang Mali? Bakit Rin ba Kasi ako umasa na mag babago Ito at hindi na sasaktan Yung Ate ko?
Hindi ko maiwasan ang Hindi makaramdam nang guilt. I feel so guilty. Nakakatulog ako nang maayos sa Kama ko sa apartment namin sa UAE, without knowing na nag dudusa na Yung Ate ko sa mga kamay nang Tiyahin namin.
I should've known better.... Dapat ay Hindi na ako nag Tiwala Kay Tiyang Melinda. Dapat ay Hindi ako nag padala sa pag papakaawa niya noon.
Before, naisipan ko na talagang ilipat si Ate Via nang bahay. Lalong lalo na nung mga panahong na-promote na ako bilang Isa sa mga heads sa Laboratory namin. I've planned countless times na ilayo si Ate Via Kay Tiyang Melinda, but I always end up not doing it.
Palaging nauurong Yung plano ko dahil na din sa pag mamakaawa ode kaya pag paparinig ni Tiyang Melinda sakin. Palagi niyang sinasabi na kesyo daw kumikita na ako ay iiwan na namin siya. Hindi daw kami marunong tumanaw nang utang na loob.
Kaya kahit mabigat sa loob ko ang ibilin o iwan si Ate Via sa poder ni Tiyang Melinda, ay Wala akong nagawa. Ang Sabi ko pa nun sa sarili ko ay, kahit Naman pag babaliktarin Ang mundo ay tiyahin pa din namin siya. Pamilya pa din namin siya.
Pero Nung Nakita ko Ang itsura kanina ni Ate Via, ay tila binuhusan ako nang malamig na tubig na nag pa gising sakin sa katotoohanan. Na nag pa-realisa sakin na hinding Hindi na mag babago si Tiyang Melinda. Hinding Hindi na siya mag babago... na siya pa din Yung tiyahin namin na mapanakit.
"Anu?! Napaka bruha din talaga yang tiyahin mo! Naku Kung nandyan Lang talaga ako, nasabunotan ko na Yan!" Sigaw ni Red sakin. Kita sa mukha Ang pag ka inis neto.
Nag Vvideocall Kasi kami ngayon ni Red at ni Chloe. Nung una ay nagagalit pa sila sakin dahil Hindi ko daw sila tinawagan nung pag lapag ko nang Pilipinas. But the moment I mentioned about Ate Via's situation, ay agad agad nilang binalewala at kinalimutan Ang galit nila sakin.
"Dette-Dette, ilayo mo na si Ate Via sa tiyahin mo. Hindi natin alam baka sobra pa diyan Ang matamo Niya pag di mo agad nalayo. Diba ikaw na din Ang nag Sabi? Muntikan na niya noon masaksak Yung Nanay mo nang hindi siya pahiramin nang Pera? Kaya Dette-Dette, lumayo na Kayo sakanya." Sabi Naman ni Chloe sakin.
Naalala ko Naman Yung nangyari samin noon. Pilit na humihiram nang pera si Tiyang Melinda Kay Nanay, dahil nga mag susugal Ito. Pero Wala Namang may ipahiram si Nanay, kaya nagalit si Tiyang Melinda at nag away sila ni Nanay.
Kagaya nang Sabi ni Chloe, ay muntik nang masaksak ni Tiyang Melinda si Nanay dahil na din sa galit Niya. Sobra Ang kagustohan neto na mag karoon nang pera kaya Naman Ang Nanay ko Ang pinipiga neto.
Hinding Hindi ko makakalimutan Ang nangyari iyun dahil Yun din Yung araw na nakita Kong sobrang natakot si Nanay. Nanginginig siya sa takot Kay Tiyang Melinda.
It was then I promised myself na hinding Hindi Niya na ulit masasaktan si Nanay, dahil mag-aaral ako nang mabuti para makalayo kami sakanya. Pero na-aksidente si Nanay, at sa kasamaang palad ay napunta kami sa poder ni Tiyang Melinda.
"Yun Naman talaga Yung Plano ko, Chlo. Kaya nga tumawag ako sa inyo. Sasabihin ko sana sa inyo na baka matagalan ako dito sa Pilipinas, dahil mag hahanap pa ako nang bahay para Kay Ate Via." Sabi ko sa kanila.
"Naku! Mag tagal ka diyan kahit kailan mo gusto! Basta Ang importante ay malayo mo si Ate Via sa bruha mong tiyahin." Sabi Naman ni Red. Hindi ko Naman mapigilan Ang Hindi mapa ngiti.
Kahit ganyan siya mag salita, ramdam ko pa din Naman na concern siya samin. Alam ko din kasing Mahal na Mahal Niya si Ate Via, kaya nag papa salamat talaga ako na nagkaroon ako nang mga mabubuting kaibigan.
"If you want pwede kayo dun sa condo ko sa QC. Ginagamit ko Lang naman Yun pag umuuwi ako diyan at pag nag-aaway kami ni Mommy." Sabi ni Chloe, na agad ko Naman inilingan.
"Wag na Chlo. Plano ko kasing bahay na Lang Yung hanapin ko. Anu pa Yung pag ttrabaho ko diyan Kung Hindi ko Naman mabigyan nang magandang buhay si Ate diba?" Saad ko dito.
"We understand, Dette-Dette. But just consider, okay? Besides, mag hahapan kapa Naman nang bahay e." Saad Niya. Tumango na lamang ako sakanya at nag pag salamat.
Nag usap pa kami nang matagal at nag Plano na din nang pwede naming gawin para sa pag takas ko Kay Ate Via.
I sighed heavily. Hinding Hindi ko na hahayaan na masaktan pa ulit ni Tiyang Melinda si Ate Via. Hinding Hindi na....

BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomansaAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]