Walang tigil ang panunukso ni Bryzon sakin kanina. Hindi rin nakaligtas Kay Ate Via Yung katangahan na ginawa ko.
Tawa lamang sila nang tawa na dalawa. Tila'y sobrang natutuwa sila dahil sa nagawa ko. Kahit siguro ako ay pag tatawanan din Ang sarili ko, pero Jusko! Sobrang nakakainit nang dalawang pisnge Yung rason ko Kung bakit ako pumikit kanina, at Kung bakit nasunog Yung niluluto ko.
I really thought Bryzon will kiss me!
At bakit ko naisip Yun? Hindi ko din Alam. Tila'y may mga sariling buhay Yung mga Mata ko kanina dahil kusa itong pumikit nang lumapit si Bryzon kanina sakin.
Tsaka.... Kasalanan ko ba Yun Kung sobrang ganda at mapanukso Yung katawan Niya?
Eh Kung nag t-shirt Kasi siya nu bago siya bumaba. Ede Sana Hindi nangyari Yung mga katangahan ko kanina.
Hays! Nakakahiya talaga.
"Ate, sigurado ka bang magiging okay ka Lang dito? Bakit Hindi ka na Lang sumama muna sakin?" Tanong ko Kay Ate Via nang makalabas ako nang banyo.
"Oo Naman, Loraine. Tsaka mag papahinga na Lang ako dito. Babalik ka din Naman pag katapos mong kumuha nang mga gamit diba?" Tanong neto sakin. Tumango Naman ako.
"Oo naman, Ate." Nakangiting Sabi ko dito. Nginitian Niya din ako pabalik.
Nag lakad Naman ako sa direksyon Niya at umupo sa tabi Niya.
"Ate, okay Lang ba talaga Kay Bryzon na nandito Tayo?" Tanong ko sakanya na ikinataka Niya.
"Sabi Niya Naman na okay Lang sakanya, diba? Bakit? Hindi kaba naniniwala sakanya? Gusto mo bang umalis na Tayo dito?" Sunod sunod na tanong ni Ate Via.
"Hindi Naman sa ganun, Ate. Pero Kasi, pwede ka Naman dun sa hotel ko e. Hindi kaya nakakahiya Kay Bryzon na nakikitira pa Tayo sakanya?" Tanong ko sakanya.
"Ayoko sa Hotel mo, Loraine. Tama si Bryzon. Mabilis tayong matunton dun ni Tiyang Melinda. Ayoko nang Makita siya, Loraine. Ayoko nang Makita siya..." Ulit pa neto sa sinabi Niya.
Bakas sa mukha ni Ate Via Ang takot. Agad Naman akong tumango sabay yakap sakanya.
"Hinding Hindi na natin siya makikita, Ate. Hinding Hindi na siya makakalapit satin." Paninigurado ko sakanya.
Siguro'y mas maganda nga dito na muna kami ni Ate Via sa condo ni Bryzon. Nahihiya man ako, ay kakapalan ko na lamang ang mukha ko para Kay Ate Via. Ramdam na ramdam ko Kasi Yung Hindi kagustohan netong umalis dito, dahil siguro ay pakiramdam Niya ligtas siya dito.
Hindi Rin Naman nag rrekalamo si Bryzon. Ayaw Niya din na pag usapan namin Yung tungkol sa pakikitira namin sa condo Niya. Ang Sabi niya ay, bugal sa loob niyang tulongan kami.
Ngayon naiisip ko na baka Tama nga Yung Taxi Driver na nakausap ko nung kakadating ko Lang nang Pilipinas. Siguro'y mabait talagang Tao si Bryzon. Nauna Lang talaga Yung pag jjudge ko sakanya.
Nag paalam na ako Kay Ate Via bago umalis nang condo ni Bryzon. Napag pasiyahan ko Kasi na kumuha at bumili nang mga gagamitin ni Ate Via. Wala din si Bryzon ngayon dahil nag trabaho Ito.
Hindi ko naman na tinanong Kung Anu Yung trabaho Niya, at Hindi Niya din Naman sinabi. Sigurado Naman ako na sa Airline siya nag ttrabaho. Well, specifically ay baka siya na Yung namamahala dun.
Kalahating oras din Ang biyanahe ko Mula sa condo ni Bryzon papunta sa hotel na pinag check-inan ko. Agad Naman akong pumunta sa kwarto at kinuha Yung mga damit na ibibigay ko Kay Ate Via.
Mabuti na Lang talaga Hindi ko nabigay lahat nang pasalubong ko sakanya nung nakaraan. Kaya meron pa akong ibibigay sakanya.
Nag aayos Lang ako nang mga gamit na dadalhin ko pabalik sa condo ni Bryzon, nang biglang umilaw Yung cellphone ko at nakita Kong tumatawag si Red sa Instagram. Agad ko iyung sinagot at umupo sa silya na katabi nang Kama ko.
"Nerdie! Kamusta kana?" Bungad neto sakin nang masagot ko Yung tawag Niya. Nginitian ko Naman Ito.
"Okay Lang ako dito, Red. Kayo? Kamusta kayo diyan?" Tanong ko na Ang tinutukoy ay sila Ni Chloe.
"Ito, mabuti Naman. Nandito pa Rin Yung bruhang Chloe. Nung nakaraang araw umuwi siya pero bumalik din Naman agad. Sabi Niya ayaw Niya daw akong mag Isa dito. Eh, sa gusto ko ngang mapag-isa!" Kwento Naman ni Red sakin na ikinatawa ko.
"Reddy, Alam Naman natin na you can't live alone." Panunukso Naman ni Chloe sakanya na kakadating Lang. Inirapan lamang siya ni Red bago tumingin sakin. "Hello Dette-Dette, kamusta kana diyan? Si Ate Via mo kamusta na?" Tanong neto sakin.
"We're okay na, Chlo. Naialis ko na din siya sa poder ni Tiyang Melinda." Sabi ko sakanila na ikinagulat nila.
"Omg, really? Kailan pa? Paano?" Tanong ni Chloe sakin.
"Kahapon Lang. Nasa reception ako nang kasal ni Alley nang tumawag si Ate Via sakin. She was beaten by Tiyang Melinda, kaya Dali Dali akong pumunta sakanya. Mabuti na Lang tinulongan ako ni Bryzon." Sabi ko sakanila.
Nagulat Naman ako nang mabanggit ko Yung pangalan ni Bryzon. Babawian ko na Sana Yung sinabi ko, pero huli na dahil nakataas na Ang isang kilay ni Red.
"Bryzon? Sino Naman Yan? Prince charming mo?" Panunuksong tanong ni Red sakin.
Bigla ko Naman naramdaman Ang pag init nang mag kabilang pisnge ko.
Anu ba Ang nangyayari sakin? Bakit na aapektohan ako sa tuwing nababanggit Yung pangalan ni Bryzon?
"Kaibigan siya nila Alley. Tsaka.. nakasabay ko siya sa eroplano." Pag kkwento ko sakanila.
"Wait. Are you talking about Bryzon Ramos?" Napatingin Naman ako Kay Chloe nang mag salita Ito.
"Oo. Bakit? Kilala mo ba siya?" Tanong ko dito.
"Are you kidding me? Of course! I know Bry-Bry!" Natutuwang Sabi neto sakin.
"Talaga? Paano?" Tanong ko sakanya.
Hindi ko Naman Alam pero bigla ako naging curious Kay Bryzon. Tila'y merong nag sasabi sa loob ko na alamin Yung Alam ni Chloe tungkol sakanya.
"Ex siya nang pinsan ko na si Britney. Pero naging mag kaibigan kami ni Bry-Bry, dahil na din sa naging close kami nung sila pa nung bitch na pinsan ko." Pag kkwento ni Chloe.
"Are you freaking telling me na siya yung kaibigan mong may-ari nang Airline sa Pilipinas? Ex nang bitch na pinsan mo Yung may-ari nang Ramos Airline diba?" Tanong Naman ni Red na ikinatango ni Chloe.
"Right! Pero hinding Hindi na babalikan ni Bry-Bry Yun. At kahit pinsan ko siya, ayaw ko din namang mag balikan sila ulit e. Masyadong bitch Yung si Britney, at masyadong mabait Naman si Bry-Bry." Pag kkwento ni Chloe.
Natigilan Naman ako dahil sa mga nalaman ko. Ex nang pinsan ni Chloe si Bryzon? Wow. I didn't expect that.
"Hmmm, Chlo?" Pag tawag ko Kay Chloe.
"Yes, Dette-Dette?" Saad neto.
"Hmm.. Alam mo ba Kung bakit nag break sila Bryzon at Britney?" Tanong ko Kay Chloe.
Hindi ko Alam pero sobrang interesado akong malaman Kung Anu ba Yung nangyari sakanila Bryzon at Britney.
I don't know why, but I just want to know...
"Niloko siya ni Britney. Unfortunately, Britney was cheating with Bryzon's bestfriend. Kaya ayun, nag break sila." Chloe said.
Hindi ko Alam pero Parang kumirot Ang puso ko dahil sa nalaman ko.
Niloko si Bryzon... And I don't know if this is normal but I feel sorry for him. I feel sorry for Bryzon.
He is a good man. He doesn't deserve that.
Hindi ko Alam Kung bakit ako nakakaramdam nang ganito. Na tila'y gusto kong sabihin Kay Bryzon na Hindi Niya deserve si Britney dahil meron pang ibang babaeng mas deserve Niya. Hindi ko Alam Kung bakit Parang gustong gusto kong pagaanin Yung loob Niya.
Hindi ko Alam... Tila'y umiiba na Yung epekto sakin ni Bryzon. Tila'y.... Lumalalim na.
BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomanceAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]