Chapter 28

482 14 0
                                        

"Hello Ate?" Bungad ko nang masagot ko ang kanyang tawag.

"Nakalimutan ko pala, Loraine. Kailangan ko din nang jacket. Baka nalabhan ko Yung jacket ko, kaya kunin mo Lang sa mga sinampay." Sabi neto sakin. Tumango Naman ako habang binubuksan ang front door namin.

"Sige Ate. Baka may nakalimutan ka pa?" Tanong ko sakanya.

"Okay na Loraine. Yan Lang ata Yung nakalimutan ko." Sabi ni Ate Via.

"Sige Ate. Pag may naalala kapa, itext mo na Lang sakin ha?" Sabi ko sakanya.

"Sige sige. Salamat." Sabi neto.

Nag paalam na din ako bago ko binaba Ang tawag. Nang matapos Kaming mag usap ay agad akong Pumasok sa bahay namin. In-On ko Yung mga ilaw, bago ko sinara ang pinto.

Nandito ako ngayon sa bahay namin, dahil kailangan kong kumuha nang mga extrang damit ni Ate Via. Okay Naman na Yung lagay Niya, pero kinailangan pa namin mag stay nang ilang araw dahil kukuhaan pa Ito nang test at x-ray, para tignan Yung braso Niya.

Sobrang nag papasalamat din ako kela Lauren at Alley dahil hindi nila kami pinapabayaan. Minsan nagugulat na lang ako na nandun sila para mag bantay Kay Ate Via, at para din makauwi ako at maka pag pahinga.

Sa dalawang araw na lumipas ay Hindi ko pa din kinakausap si Bryzon. Ilang beses na din sinasabi ni Lauren at Alley sakin na pumupunta sa hospital si Bryzon, pero sinasabi ko Lang sakanila na Hindi pa ako handa para kausapin siya.

Dahil na din sa palagi Kong kasama si Lauren at Alley, ay naikwento ko na din sakanila ang tungkol samin ni Bryzon. Gulat na gulat sila nang malaman nila Ang nangyari samin, dahil Hindi Naman daw nag kkwento si Bryzon sakanila pero nag tatanong Ito tungkol sakin.

Dahil na din sa nagugulohan ako ay sinabi ko din sakanila ni Lauren at Alley Ang sinabi ni Tiyang Melinda at ni Ate Via.

Si Lauren ay sobrang kontra sa sinabi ni Ate Via. Sinabi ba neto na kung Mahal ko daw talaga si Bryzon ay kailangan Kong sumugal at tumaya. Si Alley Naman ay kahit Hindi mag salita, ay Alam Kong Hindi din siya sang ayon sa gusto ni Ate Via.

Pero...

Anu paba Ang magagawa ko? Nangyari na Ang nangyari. Nasaktan na Ang nasaktan. Nagalit na Ang nagalit.

Mahal ko si Bryzon pero sobrang impossible Yung relasyon namin. Impossible dahil una sa lahat, pamilya Niya Yung may rason Kung bakit kinailangan namin magdusa ni Ate Via sa poder ni Tiyang Melinda. Sila Ang may rason Kung bakit Hindi namin nabigyan nang hustisya Ang pag kamatay ni Nanay.

Mahal ko si Bryzon pero masyadong masakit Ang mga nangyari...

Gustohin ko man Makita si Bryzon ay Hindi ko kaya. kaya kahit miss na miss ko na siya, ay pinipigilan ko Ang sarili ko. Maliban Kasi sa ayaw ko siyang makausap, ay Hindi din gusto ni Ate Via na makipag Kita ako sakanya.

I sighed heavily. Ayokong mamili sakanila ni Ate Via at ni Bryzon, dahil Alam ko sa sarili Kong masasaktan ako at mahihirapan pag ginawa ko Yun.

Inasikaso ko na Lang Yung dahilan Kung bakit ako umuwi. Kinuha ko Yung mga kailangan Kong dalhin sa hospital para Kay Ate Via. Pag katapos Kong ayusin Ang ma gamit Niya, ay napag pasiyahan Kong mag luto nang tinolang manok para sakanya.

Nagluluto Lang ako nang bigla Kong marinig na may nag doorbell. Agad akong pumunta sa labas nang bahay namin para tignan Kung Sino iyun. Pero agad akong natigilan nang Makita Kong si Bryzon pala Ang nag doorbell.

"Muffin.." tawag neto.

Tinignan ko siya at Kita ko sa mukha Niya Ang stress, na tila'y ilang araw na siyang Hindi nakakatulog. Kita ko din ang eyebags neto na parang Hindi na naalagaan Ang kanyang sarili.

Gusto ko siyang yakapin at kamustahin, pero sobra Ang ginawa Kong pag pigil saking sarili.

Control yourself, Bernadette. Control yourself.

"Anung ginagawa mo dito?" Seryosong Sabi ko. Laging pasasalamat ko dahil Hindi ako nautal.

"Let's talk. Please." Pakiusap neto sakin.

Kitang Kita ko sakanyang mata Ang sakit at lungkot. Agad Kong iniwas Ang aking tingin sakanya.

Baka Hindi ko kayanin..

"Wala na tayong kailangan pag usapan pa, Bryzon." Matigas Kong Sabi. Nagulat Naman ako nang hinawakan Niya Ang magkabilang balikat ko bago ako pinaharap sakanya.

"Wala akong kasalanan, Bernadette. Wala akong kasalanan sa ginawa ni Daddy. I feel so sorry for your mother. Pero Loraine Naman, Wala akong kasalanan. Wag mo namang idamay Ang relasyon natin." Pakiusap Niya sakin.

"Relasyon natin? Meron ba Tayo nun, Bryzon?" Matapang na sagot ko sakanya.

Tila'y napaso siya dahil sa sinabi ko, dahil unti unting gumuhit ang pagtataka sakanyang mukha.

"A-Anung ibig mong sabihin?" Tanong Niya sakin.

Hinugot ko lahat nang lakas ko bago ako huminga nang malalim at matapang na tinignan si Bryzon.

"Itigil na natin to, Bryzon. Itigil na natin Ang kahibangan natin. Impossible Ang magkaroon nang relasyon sayo. Impossible Ang magkaroon nang relasyon sa taong anak nang pumatay sa nanay ko. Impossible, dahil Yun Lang Yung maiisip ko tuwing makikita Kita. Impossible, Bryzon. Kaya tigilan na natin to." Sabi ko.

Bumagsak Ang kanyang balikat at unti unting umiling. Nakita ko Ang pag tulo nang mga luha sakanyang mga mata.

"Mahal kita, Loraine. Mahal na Mahal Kita. Wag mo namang gawin sakin to oh." Pakiusap Niya sakin. Pero Marahas ko na lamang tinanggal Ang kanyang mga kamay sa balikat ko.

"Umalis kana Bryzon. Hindi... Hindi Kita kayang mahalin." Isang kasinungalingan, sobrang Mahal na Kita. Mahal na Mahal na Kita.

Tumalikod na ako at tsaka ko sinarhan Ang gate at tumakbo papasok sa bahay namin. Agad tumulo Ang mga Luha ko at napaluhod na lamang ako sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman ko.

I'm sorry cookie.... I'm so sorry.

Risk (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon