Ilang araw na ang lumipas at nananatili pa din kami ni Ate Via sa condo ni Bryzon. Ilang ulit ko din sinubukan na kausapin siya para ipaalam sakanya na nag hahanap na ako nang bahay na lilipatan namin ni Ate, pero palagi itong iniiba Yung topic o kaya Hindi ako pinapansin.
Tila'y ayaw Niya kaming paalisin ni Ate Via sa poder Niya. Hindi ko din Alam Kung kasama pa din ba Ito sa pag bawi Niya sakin dahil 'he was being an ass to me before' Sabi niya.
Pero Kung Anu man Ang possibleng rason ni Bryzon, ay Hindi pa din ako pwedeng tumigil sa pag hahanap nang malilipatan namin ni Ate Via. Dahil habang tumatagal Yung pag sasama namin ni Bryzon, ay tila mas lalong lumalalim Yung nararamdaman ko sakanya.
Hindi ko Alam Kung mere crush Lang ba itong nararamdaman ko para sakanya, o baka higit pa.
Wait...
Sinabi ko bang higit pa?
Bigla Naman ako nakaramdam nang kaba dahil sa naisip ko. Possible kayang Mahal ko na si Bryzon?
Kung iisipin Kong mabuti, ay tanging Yung pagiging makulit Lang ni Bryzon Yung medyo ayaw ko sakanya. Pero maliban dun ay Wala na.
Wala na akong ibang maipipintas Kay Bryzon. Tila'y sobrang bait niya na kahit mag isip ako nang mga negatibong bagay tungkol sa kanya ay Hindi ko magawa.
Bryzon is really a good man. Napaka buti niyang Tao. Tinulongan Niya kami nang Ate Via ko sa mga panahong sobrang kailangan namin nang tulong. Hindi Niya kami pinabayaan, dahil kahit Hindi Niya pa ako ganun kakilala ay pinatili Niya kami sa condo Niya.
Wala na din akong ibang hahanapin pa Kay Bryzon. Maliban Kasi sa mabait siya ay responsable din Ito. Kagaya nga nang sinabi ko, Hindi Niya kami pinabayaan ni Ate Via. Alam ko din na may Isang salita Ito dahil nung sinabi niyang tutulongan Niya kami, ay tinulongan Niya talaga kami at sobra sobra pa.
Kung tutuusin ay Wala na talaga akong ibang hahanapin pa Kay Bryzon. He is the perfect guy for me. Pero.... Pero Ang taas Niya. Sobrang taas Niya.
Sino ba Naman Kasi Ang niloloko ko? I'm here thinking about the things that I like and love about him, pero Alam ko sa sarili ko na sa realidad ah impossibleng maging kami. Napaka impossible.
He is Bryzon Ramos. Ramos. Dala Niya Yung Isa sa pinaka mayaman at maka pang yariha na apelyido dito sa Pilipinas.
Tapos ako?
I'm just Bernadette Loraine Dizon. Just... A normal person. From a normal world.
"Mag tatampo na talaga kami sayo. Una, umalis ka nang kasal ko nang di nag papaalam. Tapos ngayon na kami ni Lauren Yung kasama mo, Parang iba Naman Yung iniisip mo. Mag tapat ka nga Bernadette Loraine Dizon, may boyfriend kana sa UAE nu?" Napatingin Naman ako Kay Alley nang mag salita Ito.
"Anu? Boyfriend sa UAE? Ako?" Tanong ko Kay Alley. Tumango Naman Ito sabay pinag-cross Yung dalawang kamay sa harap nang dibdib Niya.
"Ang dami mo nang secrets." Sabi neto na Parang nag tatampo.
"Hindi ah. Wala Naman akong boyfriend e." Saad ko sakanya.
"Wala ba talaga? O Wala pa?" Makahulugang tanong ni Lauren sakin. Kunot noong tinignan ko Naman Ito sabay umiling.
"Wala talaga, Lau." Sabi ko sabay inom nang strawberry shake na inorder ko.
Nandito kami ngayon sa LM (Lopez Mall) na katabi Lang nang hotel na pinag check-inan ko. Hindi ko Alam na pag mamay-ari pala Ito nang kuya ni Lauren na si Laurence.
Nasa isang Restaurant kami dahil inimbitahan ako nila Lauren at Alley na kumain sa labas. Kaya Naman Hindi na ako nag dalawang isip na pumayag. Yan din Naman Yung Plano ko talaga pero masyadong naging busy ako sa pag hahanap nang malilipatan namin ni Ate Via, at.... At dahil na din sa pag iisip Kay Bryzon.
"Eh bakit Parang Lutang ka? Kanina kapa kaya namin kinakausap at tinatanong." Sabi ulit ni Lauren.
"Anu ba Yung tanong niyo?" Tanong ko na Lang sakanila para maiba Lang Yung topic.
"We're asking if kamusta Yung buhay mo dun sa UAE." Tanong ni Lauren sakin.
Napa-upo Naman ako nang maayos dahil sa tanong nila.
"Well... Okay Naman. Nag ttrabaho ako sa isang hospital bilang MedTech. Pero minsan tumutulong din ako sa kaibigan ko na isang wedding planner." Kwento ko sakanila.
Kita Naman sa kanilang mukha Ang gulat dahil sa sinabi ko. Nakakita din ako nang amazement sa kanilang mga Mata.
"Omg. You're a wedding planner?" Tanong ni Lauren sakin. Tumango Naman ako.
"Natupad din Yung isang pangarap mo, Lor. Diba Sabi mo samin nuon, maliban sa MedTech gusto mo ding maging isang Wedding coordinator?" Sabi Naman ni Alley na ikinangiti ko.
Before I really want to become a wedding coordinator. Mas madali Kasi Yung trabaho nun keysa sa isang wedding planner na kailangan talagang gawin lahat. Yung wedding coordinator Kasi medyo short time Lang Yung kailangan niyang pag trabahuan. While wedding planner is needed to be there from the start hanggang sa Huli.
Hindi na din masama Yung Wedding Planner, medyo malapit Lang din Naman sa pagiging Wedding coordinator e.
"Kaya nga e. Kaya tumutulong talaga ako Kay Red pag nag karoon ako nang free time." Sagot ko Kay Alley.
Nag kwentohan pa kami ni Lauren at ni Alley. Kwenento din ni Alley sakin Kung paano sila ulit nag Kita ni Alex, at Kung paano nauwi sa kasalanan.
Habang si Lauren Naman ay kwenento Yung love story nila ni Nathan sakin. Nakakatuwa Lang Kasi mag kapatid pala sila Alley and Nathan. Soon, magiging in-laws na din si Alley at Lauren. At sigurado akong sobrang magiging masaya sila. Knowing Alley and Lauren, kulang na Lang talaga ipa-DNA silang dalawa para malaman Kung mag kapatid talaga sila na legal e. Sobrang close Kasi nila at ayaw na nahihiwalay sa isa't Isa.
Masaya Yung kwentohan naming tatlo, hanggang sa napunta Yung topic namin sa mga kaibigan nila. Hindi ko maiwasan Ang Hindi bigyan pansin Ang pag kkwentohan nila nung nabanggit na nila Ang pangalan ni Bryzon.
"Alam mo kahit makulit Yun, pakiramdam ko malalim din siyang Tao." Sabi ni Alley. Tumango Naman si Lauren.
"He is. Nalaman ko nga na Ex Niya si Britney Alcala." Sabi ni Lauren. Napatingin Naman si Alley sakanya.
"Britney Alcala? Yung.." Hindi na natulog ni Alley Yung sasabihin Niya nang mag salita ulit si Lauren.
"Yep. The bitch one. Hindi ko talaga Alam Kung saan nag Mana Ang babaeng Yun e. Mababait Naman sila Mr. And Mrs. Alcala. Tapos Yung mga ate din Niya mababait din. Siya Lang talaga Yung masamang ugali." Sabi ni Lauren.
"Alam mo ba Kung bakit sila nag break?" Tanong Naman ni Alley.
Kahit Alam ko na Yung kwento tungkol sa break up nila ni Bryzon at ni Britney ay Hindi ko pa din maiwasan Ang Hindi makinig.
"Britney cheated with Bryzon's bestfriend, si James Samonte." Sabi ni Lauren bago tumingin sakin. "Sorry to mention his name, Lor." Sabi ni Lauren.
Tila'y binuhusan ako nang malamig na tubig dahil sa sinabi ni Lauren.
Si.... Si James Yung dahilan Kung bakit nag kahiwalay sila Bryzon at Britney? Si James Samonte?
Bigla ako nakaramdam nang kaba at takot dahil sa narinig ko Ang pangalan nang lalakeng Yun.
Bakit ba hanggang ngayon, Hindi pa din ako tinitigilan nang lalakeng Yun? Bakit ba kahit saan ako pumunta at mag tago ay Hindi pa din Niya ako pinapatahimik?
BINABASA MO ANG
Risk (COMPLETED)
RomansaAre you willing to risk everything for the love that you've been longing? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]